vii.

9 4 0
                                    









ㅤㅤ
Nakasara ang pintuan sa kaibuturan ng aking puso. Walang nakakaalambng tunay kong nadarama. Dahil nanaman ito sa iyo, hindi ko magawang sumugal at matuto.

“Natatakot ako” bigkas ko sa tuwing may isang taong nagpapasaya sa araw ko kung kaya’t siya’y nasasaktan ko. Bakit mo ba kasi ibinaon ang takot kong sumugal sa pag-ibig na ito?

Bakit nga ba kita nakilala?

Hindi ko ginustong manakit ng damdamin ng iba ngunit sa tuwing aking naalala ang mga bagay na nangyari sa aking nakaraan, natatakot na ako’y muling masaktan. Pinipilit kalimutan ang nakaraan ngunit aking isipa’y mahirap kalaban sa tuwing ipinapakita mga ala-alang nagpapakita ng ating nakaraan.

Sana hindi na lang ako nagpaloko sa mga salitang pinanghawakan ko noong tayo’y masaya pa.

Ngayon, heto ako tahimik na nakatingin sa langit habang inaalala ang mga bagay na ating pinagsaluhan bago ka lumisan. Walang kasiguraduhan ang aking buhay nang dahil sa pagtitiwala ko sa mga salita mong hindi naman pala totoo.

Ang hiling ko lang naman ay sana sa susunod na pahina ng aking buhay, sana’y wala ka na upang magbigy uli ng takot na sumugal sa pag-ibig.

Sugal — Pinken

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon