iii.

21 6 0
                                        

TW : R*pe / Ab*se








ㅤㅤ
Luha at pag-asa,
Hindi na ako mangangarap pa.
Naubos na ang kalakasang inipon ko
Dahil lamang sa isang taong dinungisan,
Aking dignidad.

Nais ko lang namang maging isang bituin na nagnining sa harap ng karamihan. Kung kaya't dugo't-pawis, aking ipinusta sa laban ng buhay. Subalit nang ika'y dumating, nagbago aking damdamin. Ang masasayang ala-ala ko'y napawi ng isang patak ng luha. Mga araw na kung saan ako'y pinalakpakan ng karamihan, napalitan ng kantyawan. Hindi lamang aking dignidad ang nawala, maging ang aking ngalan na iyong pinahiran ng putik at inapak-apakan.

Nang ako'y iyong haplusin, matinding takot ang aking dalahin. Pinangakong kasikatan ay tila lumipad kasabay ng hangin. Kapalaran ko'y nag-iba dahil sa maling desisyon ko na magtiwala sa iyo. Bakit ko nga ba 'yon ginawa? Bakit kay dali sa akin na paniwalaan ka kung aabusuhin at itatapon mo lang rin, 'di ba?

Nang dahil sa iyong kasikatan,
Walang naniwala na ako'y iyong sinaktan.
Nasilaw ka sa pagmamahal ng tao,
Kung kaya't pagmamaltrato sa aki'y parang 'di na bago sa'yo.
Nais kong ika'y magbayad sa iyong sala,
Ngunit paano? Ika'y mahal ng masa.
Ako nama'y walang pag-asa.

Kaya't ang aking hiling, sana buhay ko'y alisin
Matapos lamang ang hirap na aking dalahin
Patawad sa mga taong naniwala sa akin
Mundong ito'y aking lilisanin.

Kapalit - Pinken

( it wasn't based on real life but if you remember someone then yeah )

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon