xiv.

5 2 0
                                    

Bayani sa likod ng kamera.

Iba ang sinasabi sa iyo ng masa.

Isa kang huwarang nilalang, hindi isang bayani. Isa kang manggagawa, hindi isang bayani.

Mga bagay na tumatatak sa iyong isipan habang pinagmamasdan ang mga sinasabing makataong gawa ng mga may kapangyarihan. Sa harap mismo ng kamera kung saan maraming manood, sila'y bayani para sa lahat. Ang kanilang kwento'y kapupulutan ng aral at inspirasyon. Palagi kang namamangha kahit hindi mo tukoy kung ito nga ba ang totoo.

Subalit kung ika'y titingin sa likod nito, mga tunay na bayani'y nakatago. Mga nilalang na unti-unting binubura sa ating isipan ang siyang naiitsapwera. Ang inspirasyon at pag-asa na kanilang ibinigay ay tinatanggal na sa ating isipan. Bagkus, ang mga may kakayahan ang nakikinabang sa kanilang mga nagawa. Ang dapat na parangalan ay siya pang nilalang na nagdusa't magdurusa.

Sino nga ba ang tunay na bayani? Ang mga may nagawa o ang mga taong may ginagawa lamang kapag ika'y nakatingin?

Bayani sa kamera
- pinken

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon