x.

7 4 0
                                        









ㅤㅤ
ㅤ Sa loob ng isang taon,
pagmamahal natin ay
pinatibay ng panahon.
Nasanay sa presensya mo,
kaya ngayon luha ko'y
patuloy ang pag-agos.

Ngayon, tayo'y nasa dulo. Ika'y inilayo sa akin ngunit kahit ako ma'y maging makasarili, ang nais lamang ay manatili ka sa aking tabi. Hindi ko nais mapalitan ng pait ang matatamis na sandali na ating pinagsaluhan. Nagsusumamo ako sa iyo, mahal ko. H'wag mo kalimutan, ating pagmamahalan.

Kahit isang pagkakataon pa,
Ako'y pagbigyan muna.
Nais ko lamang siyang
makasama.
Bakit ba ako'y pinaglalaruan ng
tadhana.

Ako'y takot na ika'y mawala, maari ba na ako'y sunduin mo na? Hindi ko na alam kung paano mabubuhay pa, kung ika'y wala na. Halika na mahal, isama mo na ako sa iyo. Hindi ko kaya ang mag-isa...hindi...ko...kaya. Hihimlay na rin ako, kasama mo. Magkasama tayong tatahakin ang kabilang mundo.

ㅤㅤ ㅤHanggang sa muli,
ㅤㅤ mundong puno ng
ㅤㅤㅤㅤ aming ala-ala

Sundo - Pinken

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon