ii.

24 6 0
                                    









ㅤㅤ
Akala ko, lahat ay nasa maayos na ngunit nandito nanaman ako sa dilim, nagkukubli. Aking hagulgol lamang ang maririnig. Puso ko'y nadudurog muli dahil sa mga salitang inipon ng isip kong makasarili. Natatakot na baka isang araw, mawala sa akin ang lahat dahil lamang sa isang kamalian na hindi ako ang may kasalanan. Mga salitang tila tinik sa aking dibdib ay naging sanhi ng aking pagluha na inaakalang nawala na sa aking mga mata.

Kung ako'y iyong tatanungin muli ng mga katagang "ayos ka lang?", masasambit ko ang salitang "pagod na ako, sa totoo lang" subalit ang pagsuko ay wala sa aking bokabularyo, ilang luha man ang tumulo sa mga mata ko. Ngunit sa ngayon, nais ko na lamang magpahinga. Kahit hindi permanente, isang beses ko lang ito hihilingin, pwede bang ako'y magpahinga muna? Babalik rin kung ang lahat sa aki'y ayos na. Maari bang matulog muna?

Pumatak nanaman
— Pinken

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon