xxix.

1 0 0
                                    

Gaano nga ba katamis ang salitang 'tayo'?

"Tara kain tayo,"
"Tayo na lang magsama,"
"Halika, labas tayo,"
"Palagi kong pipiliin ang tayo,"

Gaano ba kasarap na palagi kang naaalala? Kapag alam mo na kahit sa maliliit na bagay, nakikilala ka ng isang nilalang na nagpapatibok ng iyong puso? Kahit pa hindi mo mahinuha ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig, sa yakap niya pa lang ay alam mo na kaya niyang ihamak ang lahat, mabuo lang ang salitang 'tayo'

"Tayo ang magtatrabaho para sa isa't-isa,"
"Tayo ang gagawa ng ating hinharap,"
"Magkasama tayo sa hirap at ginhawa,"

Hindi ba't kay lambing pakinggan na kasama mo ang kaisa-isang taong makakaintindi sa 'yo sa kahit ano'ng daan na tatahakin mo? Kung ito nga ang bagay na iyong nais, hindi ka mabibigong isama siya sa bawat pahina ng iyong kwaderno. Doon, isusulat niyo ang mga alaala at ang mga aral na napulot sa daang inyong tatahakin. O kay sayang tignan na kahit sa konting oras o minuto, ika'y naalala ng taong mahal mo.

Madali lang ang lahat ng ito kung ito'y iyong gusto. Ikaw ba, kaya mo rin bang hamakin ang mundo, makita mo lang ang salitang 'tayo' sa kuwaderno ng ating paglalakbay?

- tayo hanggang dulo ( arrietta, 2024 )

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon