v.

11 5 0
                                    









ㅤㅤ
Noong bata pa ako, masaya ako sa tuwing sasapit ang gabi. Ang mga bituin ay magsisilabasan upang magsilbing liwanag sa mundo. Ang buwan na ako’y sinusundan sa tuwing may nais kaming bilhin ni inay. Ang tahimik na paligid at malamig na hanging humahalik sa aking balat.

Ngunit nagbago lahat nang ako’y lumalaki na. Ang gabing inaakala kong pinakamasayang bahagi ng buhay ay naging isang madilim na pasilyong tanging pahinga upang ilabas ang sakit na nadarama. Mga makikinang na tala ay tila hindi ko na kayang silayan pa. Nais na lamang ikulong ang sarili sa aking silid.

Ang mga tawanan na aking naririnig sa tuwing sasapit ang gabi ay nawala na ng tuluyan. Aking isipan ay nakikipaglaro sa akin at pinapaalala ang mga panahong nais kong limutin ngunit patuloy pa rin sa pagtakbo sa aking isip. Kinekwestyon ang sariling kakayahan na napupunta lamang sa pag-tangis.

Hindi na ito ang gabing nais ko, hindi na ang isang bagay sa buhay ko kung saan ako’y malaya. Isa na itong bilangguan ng nadurog kong puso. Pilit pinapatahimik ang aking mga luha na dulot ng sakit na aking nadarama.

O, gabing madilim
Takpan mo, sakit na aking kinikimkim.

Sa gabing madilim — Pinken

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon