untitled.

8 4 0
                                    









ㅤㅤ
“Babalikan kita” sabi mo sa akin nu’ng ako’y iwan mong mag-isa sa dilim. Sa araw na iyon, ako’y nakulong sa mga salitang ibinato mo sa akin dahilan para mahulog ako ng malalim.

Ngunit asa’n ka na ngayon, mahal ko? Bakit mo ginawa sa akin ito? Bakit mo pinalaya ang sarili mo habang ako’y ikinulong mo sa pagmamahal na hindi naman totoo? Sobrang dami ng aking katanungan ngunit ni isa’y walang kasagutan. Hindi ko alam kung saan pa ako kakapit dahil hindi pa rin ako makaahon buhat nang ako’y iyong itinapon.

Paano mo nagagawa sa akin ito? Akala ko ba ako’y mahal mo? Paano mo nasabi ang mga katagang ‘ika’y mahal ko’ kung iiwan mo rin naman ako sa dulo. Napapagod na ako kakahintay sa iyo kahit alam kong sinasaksak mo ako sa likuran ko. Nais ko na makalaya ngunit iyong dinadagdagan, ang kandado sa aking puso.

Disyembre dalawang pu‘t-walo, ako’y hinayaan mo.
Nagdudusa pa rin buhat nu’ng ako’y lisanin mo.
Parang awa mo na’t palayain ako.

Untitled — Pinken

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon