ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤㅤ
Mga matatamis na salita, pagsuportang walang katumbas. Litratong hindi kumukupas, nasa ala-ala ko pa ang mga bagay na aking ginawa upang ika'y mapaligaya.Ang iyong tinig, ay mahalaga sa akin.
Ang iyong mga mata, sumisimbolo ng pagmamahal mong labis.
Ang iyong kalooba'y punong-puno ng galit.Akala ko, ako'y hindi mo lilisanin
Sapagkat ang mga tulang isinulat ay para lamang sa akin
Ngunit bakit nagbago, ihip ng hangin
Ika'y naglakbay at hindi na nasilayan.Mag-iisang taon na, sinta
Buhat ng ako'y iwan
Ngunit ikaw pa rin, giliw
Laman ng aking isipan.Pagpatak ng alas dose ng hating gabi, ika'y ibabaon na sa limot at bubuksan muli, ang puso kong kay higpit. Sana'y masaya ka ngayon, mahal ko at ika'y aking iiwan na sa iyong trono. Hindi na ako mananaghinip ng isang kagaya mo, pangako.
Hanggang sa muli - Pinken

BINABASA MO ANG
Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )
Non-FictionWhat is the sentiment of life?