vi.

10 4 0
                                    









ㅤㅤ
Ang sabi ng lola ko, may mga tao talaga na maglulunod sa atin sa kalungkutan. Ang iba ay walang alam sa kanilang kasalanan habang ang ilan nama'y nagpapanggap lamang. Akala ko'y isa lamang itong pangaral na dapat kong sundin noong ako'y bata pa. Ngunit paglipas ng panahon, ang buhay ko'y iba na at ang mga tao sa paligid ko'y puno na ng ngiting minsa'y may kinukubli. Hindi ako nakinig sa aking abuela.

Pinairal, mga bagay na alam kong tama. Naging makasarili kung kaya't heto ako ngayon, nalulunod sa sa sarili kong patibong. Mga taong pinaniwalaan kong magbibigay ng kasiyahan sa aking araw ay inilunod ako. Gano'n lang ba kadaling mawalan ng hininga sa gitna ng karagatan? O ito'y dulot ng kalungkuran buhat ng inyong pag-iwan sa akin sa pusod ng dagar? Madali lang bang itapon ang pinagsamahan? O sadyang sa una pa lamang ay wala lang ang kasiyahang ating pinagsaluhan?

Kung nakinig lamang ako sa bilin ni lola, hindi sana ako nag-iisa habang tinutulak ng alon patungo sa kawalan.

Bilin - Pinken

Bottom Of The Bridge ( Compilation of Proses )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon