Chapter 5

8.6K 183 12
                                    

“Ano? Nakapili ka na?”

“Binili ko na kasi ang mga ‘to lahat kasi mukhang bagay na naman sa iyo lahat. Hirap mamili, e.”

“Kahit… ano na lang, Liam.”

Kabaliktaran ng taas ng energy ni Liam ang akin. Wala akong kagana-gana na tumayo para magsukat kahit na ilang beses niya na akong pinipilit na sukatin ‘yong mga damit.

I could sense his patience starting to be shorter again, but because of the happenings earlier, mukhang ayaw niya nang r-um-ound two sa pananakit sa akin.

“Ano ba, Kris? Pakitaan mo naman ako na excited ka para sa wedding anniversary natin bukas, oh?”

“Alam mo lagi ka na lang ganyan. Lagi mo na lang ipinararamdam sa akin na wala lang para sa iyo ang i-celebrate ang isa sa mahahalagang okasyon ng pagsasama natin.” Muli na naman nagbago ang mood niya, and now he’s turning to a monster again.

Naisip ko nga na baka ako talaga ‘yong dahilan kung bakit… kung bakit nagpapalit siya bigla ng katauhan. Baka ako talaga ‘yong may mali.

“I’m sorry-”

“Gano’n na lang ba palagi?!” ‘Yong mga damit na hawak-hawak niya na kanina niya pa ipinipilit sa akin na ipasuot ay sunod-sunod niyang initsa sa mahabang upuan. “Puro ka na lang sorry, Kris. Tuwing mag-aaway tayo, palagi ka na lang ba magsasabi ng sorry? Wala na bang iba?”

“Anong gusto mong sabihin ko maliban sa humingi ng sorry, Liam? May iba pa ba akong choice maliban sa mag-sorry para lang hindi na tayo mag-away?” Malumanay ang naging labas ng boses ko na may kaunting tigas nang mapigilan ko ang sariling maiyak.

“Natatakot na ako sa iyo…” Hindi ko na napigilan ang sarili kong magpakatotoo sa asawa ko. “You’re my husband… and I should feel like you’re my home and I’m comfortable and safe with your hands, Liam.

But… turns out my expectation submerged. Because all you bring… is danger and makes me frightened of your existence… all the time.”

“I… I’m sorry… I… I didn’t mean to say this, Liam, but…” Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang kanya, na ang mukha niyang nakatulala lang sa akin ay walang kahit anong emosyon ang ipinapakita.

“I think I have to. My opinion does count, did it? I feel sorry for opening this matter to you today, to think that we’re going to celebrate our wedding anniversary tomorrow.

Wala akong plano na sirain lahat ng mga pinaghandaan mo at ‘yong effort mo para bukas… kasi ang gusto ko lang naman… aware ka sa nararamdaman ko. Asawa mo ako… and I believe you’re aware also of my feelings-”

“What are you trying to imply?” And by this time, nagawa na akong tapunan ng seryosong mga tingin ni Liam… ‘yong tingin na talagang nakakatunaw… but not in a thrilling way.

“Did I scare you all the time? Gusto mo bang ipamukha sa akin kung gaano ako naging imperfect husband sa iyo? Gusto mong isumbat sa mukha ko ang mga pagkukulang ko sa iyo?

Pati na ‘yang mga sugat na ibinigay ko sa iyo, na ‘yong karamihan pa nga ay naghilom na dahil sa katagalan? What else do you want, Kris? What else?”

“I have one thing to ask of you.”

Wala man akong kasiguruhan kung pakikinggan niya ako o magdudulot itong pabor ko sa kanya na makatikim na naman ng sakit at hapdi ang katawan ko, I’d still took the risk.

“Come with me… to a psychiatrist-”

“Fvck that psychiatrist, Kris!” And as predicted, he’ll gonna explode like a ticking bomb. “Bakit ba patuloy mong ipinagpipilitan sa akin na sinto-sinto ako-”

Vengeance of the BatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon