Chapter 29

3.1K 77 8
                                    

“Sa party ng anak mo nangyari ang lahat! Sa venue namatay ang apo ko kaya ‘wag kang magmalinis dito! Umpisa pa lang, alam ko nang maitim ang budhi mo!” 

Dapat ay bukas pa kami magkikita ni Imelda sa presinto, pero dahil sa nangyari ay naaga.

Ang kakapal ng mga mukha nilang ireklamo ako dahil sa pagkamatay ni Sarah. Ni hindi ko nga nagawang dikitan ng balat ‘yong bata, tapos mapagbibintangan pa akong mamamatay-tao?

“Be careful when accusing someone, Mrs. Soriano. Wala kang enough lead or evidence na magpapatunay na ako nga ang pumatay sa apo mo.”

Siguro ay sinanay na ako ni Henrix sa lamig, thanks to him kasi nagawa ko namang kontrolin ang sarili kong maging cold at hindi maiyak kahit na nagluluksa na ang puso ko sa pagkamatay ni Sarah.

“You can’t accuse me of doing the crime by just stating that Sarah attended my daughter’s party. Nandoon ka ba sa party?”

“Pero nasa venue ng party ang apo ko. Nasa host ng party ang sisi-”

“Mas nagmumukha kang tanga at walang alam sa batas sa ginagawa mong ‘yan, Mrs. Soriano. Nandoon na tayo sa punto mong sa venue ng party namatay si Sarah… but you know what… hindi sapat, e. May responsibilidad rin kami sa nangyari, oo… but that doesn’t mean we’re the one to be accused.” 

“And the other thing is… the victim seemed to have taken her own life.”

“So, suicide pa? Sasabihin n’yong nagpakamatay ang apo ko?!” 

“We’re still investigating the area-”

“Dapat lang! Kaya nga pulis kayo, e. Trabaho n’yong mag-imbestiga!” 

“Ma, anong nangyari?” Saktong dumarating sa presinto si Liam. “Dead on arrival daw si Sarah?” 

“Pinatay ng babaeng ‘yan!” Kung makaturo pa sa akin ang matanda, parang gustong-gusto niya akong duruin. “Ayaw pang umamin, e siya naman talaga ang pumatay. Ngayon ka pa maghuhugas-kamay-”

“Kung hirap kang makaintindi, wala na tayong dapat pang pag-uusapan. Ayoko sa lahat ‘yong napaliligiran ako ng mga taong hindi agad nakakaunawa.”

Mayroon akong isang bagay na nakalimutan kaya hindi muna ako umalis.

“T’yaka… kung mayroong dapat hinuhuli ang mga pulis dito, ikaw ‘yon, ‘di ba?”

“Ako pa ang pinagbibintangan mong pumatay sa apo ko?!”

“No. I mean… dapat nga ay inaaresto ka na kasi tinatakbuhan mo ‘yong malaking halaga ng pera na inutang mo sa bangko, ‘di ba?”

Namilog ang mga mata at bibig nilang mag-ina dahil sa ini-reveal ko.

“Kaya ka nga pinapupunta rito for some questioning, e. Kagaya ng… bakit hindi ka pa nagbabayad? Gusto mo bang makulong ka muna bago mo ibenta ang mga assets n’yo to pay your liabilities?” 

“We shall not talk this here-”

“Iyon ang purpose kaya pinatatawag sa presinto ang nanay mo, Liam.”

“At paano mo naman nalaman? May lahi ka bang sawsawera?” Lumabas na nga ang tunay na ugali nitong si Imelda. Maging ako man si Gwen o ang totoong ako, ang gaspang talaga ng ugali niya sa kahit sinong tao. 

“Dati mo pa gustong maging main character, ‘di ba? Kaya ngayong pinagbigyan ka na, harapin mo ang disadvantage—na ang main character ang sentro ng interes ng mga kalaban.”

Despite the grieving I had for Sarah, I had the courage to smirk at them. Kahit sa kanila man lang ay manalo ako.

“Nagkaroon ako ng interes sa iyo, that’s why I investigated. And that’s what I found out.” 

Vengeance of the BatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon