Chapter 21

3.8K 89 13
                                    

“Stop your game now, Kris. Hindi na gagana ang pagpapanggap mo… kasi buking na kita.”

Muling nanumbalik ang takot at panginginig sa katawan ko nang masilayan ang nakakatakot na ngisi sa kanyang labi.

“Forbear from pretending, and just…” He lay his hand to me, as if he wants me to come with him. “Be my wife again. Ayusin natin ang pamilya natin, Kris. I can promise you the whole world, this time.”

Buo ang desisyon kong hindi na ako maniniwala sa mga pangako niyang bulok naman at hindi natutupad. Mangalay man ang kamay niya, hinding-hindi ko ‘yon aabutin. Ipangako man niya sa akin na kaya niyang sungkitin ang mga bituin, hindi na ako magkakamali pang sumama sa kanya ulit.

“You only have two options to choose from. Either you come with me… o ilalayo ko sa iyo ang anak natin—si Audrey.”

Isang masamang panaginip ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog.

I can’t explain how my heart filled with gratitude as I realized that the scene was just a fvcking nightmare. But one thing is unsure to me… kasi ang paligid ay napaliligiran ng puting dingding, and then sa gilid ko ay mayroong dextrose na nakasabit sa isang dextrose stand… connected to my wrist. 

Nasa ospital ba ako-

“Hmm… gising ka na pala.”

Sa left side ko ay naroon pala si Henrix, na kanina ay nakadukdok sa kama. Ang lalim ng eyebags niya at nangingitim; ‘yon talaga agad ang napansin ko.

“What do you want to eat?”

“Answers,” I responded, taking no notice of his concern to ask me anything I wanted to eat. “Punong-puno ng tanong ang isip ko, Henrix. I’m oblivious about finding myself here… at the hospital? May nangyari ba?” 

Wala akong maalala na kahit na ano. Kagigising ko lang at puro na tanong ang nasa isip ko. Kung may isang bagay man ako na naaalala sa ngayon, ‘yon ang tungkol sa panaginip… na kinompronta ako ni Liam para ayain na sumama ako sa kanya ulit… at nalaman na niya ang sikreto ko.

“Six hours ago, you fainted. Sa harap mismo nina Jessica at Liam-”

“W-Why? What h-happened to me?”

“You showed them you’re allergic to seafood, Kris.”

“In front of Liam?” In response, he gave me a single nod. “No way, Hen. Edi totoo pala ‘yong panaginip ko na kinompronta ako ni Liam na alam na niyang hindi ako si Gwen? Nabuking na ba talaga ako?” 

I saw his forehead begin to form a line. “What are you talking about? Walang ganyan na nangyari kanina, Kris. Natapos ang conversation natin kay Liam that he keeps on insisting that you really are his late wife.”

“And?”

“Dahil sinabi niya nga na siya ang nag-diagnose sa iyo noon na may allergy ka sa seafood, he’s aware of the symptoms your body could show whenever you eat those. Kaya siya pamilyar sa mga sintomas na ipinakita mo kanina.”

Sa mga narinig ko kay Hen, mas lalo akong nabahala. I can’t even think of an excuse para lusutan ito.

“But you don’t have to worry. Ginawan ko naman na ng paraan.”

“Anong paraan?” 

“I told him that some of the identical twins could possibly have the same allergy in foods. Thanks to the studies that I recently looked at… that identical twins who inherit identical genes are far more similar to have the same allergies, unlike those fraternal twins.”

Vengeance of the BatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon