“Hindi ko alam na may uninvited visitor pala tayo for today,” bungad ko sa opisina nang madatnan kong kausap ni Rocco si Jessica. “Anong ginagawa mo rito?”
“I dropped by to invite both of you to Liam’s Bachelor party… happening later at 7 in the evening.”
Hindi makabasag-pinggan ang ngiti niya at mukhang feel na feel pa ang pagkakaupo roon sa couch.
“Gusto ng magiging asawa ko na ‘wag ko raw hayaan na hindi ko kayo maimbitahan. That’s why I’m here-”
“Ang cute mo naman pala… masunurin ka palang aso.”
That was intentional. Baka kasi hindi siya aware na buntot na lang ang kulang sa kanya, and then her transformation is complete.
“You’re invited me several times to be in one place with your man… and you’ve been pissed off at me not even once, but all the time.”
“Sure ka na ba talaga riyan? Hindi mo naman kailangang sundin lahat ng gusto ng asawa mo… lalo na kung hindi makabubuti sa relasyon n’yo.”
“Are you saying I’m inviting bacteria to join our life?”
Ang sarcastic ng tawa niya. Plastik.
“Buo ang tiwala ko kay Liam. Buong-buo. I’ve known him for several years… and you know… hindi ko naman siya pakakasalan kung 50% lang ang tiwala na mayroon ako sa kanya. Hindi ako magpapakasal sa kanya kung hindi ako sigurado.”
“Sana natapos na ang never-ending mong pantasya, Gwen…” Lumapit siya sa akin… sa tainga ko at bumulong, “Na baliw ang future husband ko sa iyo.”
Umalis na ang bruhang ‘yon, iniwan niya akong nanggagalaiti sa galit. Hindi ako galit sa huli niyang sinabi… kung hindi mas nilamon ng galit ang katawan ko dahil sa pag-arte niya na nang dahil lang doon ay nalamangan niya na ako.
For she thinks I may not be Liam’s ex wife and my looks is insufficient to seduce her groom… sisiguraduhin kong sa huli, kakainin niya rin lahat ng sinasabi niya.
“Gwen, I’m not liking the way you smirk.”
“Kung ikaw ba naman maiwan sa gitna ng bagyo, sa tulis ng kidlat at nakabibinging ingay ng kulog, hindi mo talaga ‘yon magugustuhan.”
Hinanap ko ang magandang pwesto sa couch kung saan ako magiging comfortable sa pag-upo.
“Patutunayan ko lang sa babaeng ‘yon na marami pa siyang kailangang kainin na bigas bago niya mabangga at mapatumba ang mataas at matibay na pader na itinayo ko over the years.”
*****
“Akala ko wala ka nang balak umuwi.” Nang makauwi na sa bahay, si Henrix ang naabutan ko sa dining table. “Ang busy mo, huh? Maraming pasyente sa ospital?”
“Tiyaka mga seminars din, marami.” Tila may hinahanap ang mga mata niya sa likod ko. “Hindi mo kasama si Audrey?”
“Kung okay lang sa iyo, ipapasundo ko siya mamayang 6:30 ng gabi. Nasa tryout pa kasi ng volleyball-”
“Tutol nga ako na pinayagan mo siyang pumasok na ulit. Ngayon naman, e hinayaan mo siyang sumali sa volleyball?”
“Para namang hindi mo kilala ang batang ‘yon, Henrix. Hindi mo mapipigilan ‘yon na gawin ang gusto niya.”
Humanap ako ng malamig na tubig sa ref ngunit wala ako roon na nakita… tanging fortified milk lang ang nandoon.
“Siguro kung sa iyo siya nagpaalam, e baka napigilan mo pa. Alam mo namang ‘pag ako ang kinakausap no’n, wala akong choice kung hindi ang payagan siya.”
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
ChickLitKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.