“Kris? Buhay ka?”
“Gwen… Mr. Soriano,” pagtatama ko sa kanya at tiyaka naupo roon sa upuan kaharap siya at ‘yong siguro ay kanyang alalay. “Kris died a long time ago. You murdered your wife. Have you forgotten-”
“Oops. I’m sorry for the word.” Bigla ko kasing nakita ang panlalaki ng mga mata no’ng kasama niyang babae. Nagulat yata nang malaman na ‘yong amo niya, murderer pala dati. “I mean… Do you know what caused her to die?”
“Are you really serious… you’re not my wife-”
“Mister Soriano… Do you think there’s still room for a joke time here? Wala ako sa mood na makipagbiruan lalo’t hindi naman tayo close. Baka nga hindi ka rin aware na may twin sister si Kris.”
I smiled again before shifting the topic. “Anyway, I’m not expecting you’re going to bring your ‘alalay’ here. Ano bang maiaambag niya rito?”
“Hindi niya ako alalay, miss. Ang judgemental mo naman. Fiancé ako ni Liam. I’m Jessica, hmm?”
“You look like not,” taas-kilay kong sagot. “Anyway, just tell us anything we can offer to help your business. Maayos naman na sigurong nailatag sa inyo ni Rocco ‘yong kondisyon tungkol sa kasunduan na ‘to. Do you have anything to ask about?”
“Ako mayroon,” ani no’ng Jessica. Ayaw talaga pakabog, e. “Natataasan ako sa rate ng kailangan naming bayaran para sa commercial. Hello? Commercial lang ‘yon. Bakit ang taas naman?”
Dumoble talaga ‘yong panlalaki ng mga mata ko sa mangmang na ‘to. Talaga ngang tama ang first impression ko sa kanya, e. Wala na ngang alam, tiyak pang walang maiaambag sa discussion dito.
“Hello rin? Pero kahit magtanong-tanong ka sa kahit anong TV network d’yan sa tabi-tabi, mataas talaga ang kailangan mong ibayad for TV commercial. Binabayaran ng libong halaga ang kada segundo ng isang commercial at gaano kadalas ito lalabas sa telebisyon.”
“Okay na ba? Maliwanag na ba sa iyo ang lahat, Miss Jessica?” tanong ko nang hindi ipinahahalatang naririndi na akong kumausap ng tanga.
“Kasi kung malinaw na ang lahat, iiwan ko na muna kayo. Marami pa kasi akong kailangan asikasuhin. Should you have any concern about our business here, contact me or Rocco immediately. May contact details naman na kami sa inyo, ‘di ba?”
“Have a great day,” ang huling sinabi ko bago lumabas na ng conference room.
Nagmamadali ako dahil totoo naman talagang may kailangan pa akong puntahan. Mayroon kasi akong appointment ngayon together with the SG Network company with regards to our join force to create new project—a new drama and potentially the first ever drama kung saan magtatambal ang love team ng masa; sina Eli at Corrine.
Pasakay na dapat ako sa kotse para pumunta na sa lugar ng venue when someone dragged me into the darkness—and should I be shock to saw Liam’s face now?
“May nakalimutan ka bang sabihin o nakalimutang itanong?”
“Hindi ako… kung hindi ikaw. Nakalimutan mo yatang Kris ang pangalan mo at ako ang asawa mo. Ano na naman ‘to, ha? Nagsisimula ka na naman ba ng laro, Kris?”
“Excuse me? Sinundan mo ako hanggang dito para lang ipamukha sa akin na nagsisinungaling ako? Seriously, Mr. Soriano? How many times do I have to repeat that I have no room to play around? Nasa business world ako. Everything, as much as possible, shall I take seriously and smartly. What kind of behavior is that?”
“Kung wala ka rin lang namang importanteng sasabihin, or you will still keep pushing your thoughts that I’m your late wife, wala akong panahon para aksayahin ang oras ko sa iyo. Kung bored ka sa buhay mo, pwes ako hindi. Maiwan na kita.” Sumakay na agad ako ng kotse ko nang hindi hinihintay kung may sasabihin man siya o wala.
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
ChickLitKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.