Chapter 2

10.4K 240 22
                                    

Sa kagustuhan nga ni Liam na inumin ko 'yong mga chinese herbs para sa pag-asang mabubuntis ako, labag man sa loob ay ginawa ko. Kung paiiralin ko na naman kasi ang katigasan ng ulo ko, mas inilalapit ko lang ang sarili ko sa peligro.

Tao rin naman ako... nasasaktan sa mga hampas ng kamay at binti ni Liam sa tuwing nawawala siya sa sarili.

"Darating ang Mama Imelda mo mamaya, Kris," bigkas ni Nay Minda mula sa kusina habang ako ay nasa living room at nanonood ng TV.

Mula rito ay abot ang boses niya sa lakas no'n, idagdag pa na kaming dalawa lang naman ang narito sa bahay since si Sarah ay pumasok sa school at si Liam ay maagang lumakad patungo ng ospital.

"Hindi ba't nakapangako ka sa kanya na sa susunod na dadalaw siya rito ay ipagluluto mo siya ng kare-kare?"

"E, kaso hanggang ngayon po ay hindi ko pa rin napagtatama ang timpla. Madalas ay nararami ang lagay ko ng peanut butter. Baka pintasan niya na naman ang luto ko kung sakali," balewalang sagot ko habang tutok pa rin ako sa aking pinanonood.

Noong nakaraang taon pa 'yon nangyari. Birthday ko 'yon at 'yong ipinangako ko kay Mama na ipagluluto ko siya ng masarap na Paella ay ayon... napintasan niya lang kasi sobrang alat daw ng lasa.

Kesyo ano ba naman daw klase akong asawa kung ang pagluluto lang ng simpleng pagkain ay hirap na hirap akong gawin. Kung ano-anong pang-iinsulto ang natanggap ko sa kanya no'ng gabing 'yon at ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako uulit.

E, wala naman kasi talaga akong talent sa pagluluto. Magsasayang lang ako ng energy na mag-aral no'n kung mismong sarili ko na ang umaayaw sa mantika, sandok at kawali.

"Mahigit dekada na rin kayong kasal ni Liam, hija," tugon ni Nay Minda na mukhang tapos na siya sa paghuhugas ng mga pinggan.

Nagtungo siyang living room at naupo sa isang single-seater sofa kung saan malinaw niyang naaaninag ang mukha ko. "Hindi naman masama kung gumawa ka ng efforts para makasundo mo naman 'yong biyenan mo."

"Hindi na po ako aasang lalambot pa ang puso niya sa akin." Lumipat kay Nay Minda ang atensyon ko at sa abot ng aking makakaya, pilit kong pinaganda ang ngiti sa aking labi.

"Simula no'ng araw na ipagpilitan ko sa kanila na kupkupin namin si Sarah bilang sariling anak, alam kong pinasama ko ang loob niya nang sobra. Kahit na kaakibat naman no'n ay dahil gusto kong maging buo ang pamilya namin ni Liam, na kahit mag-ampon na lang kami at siya ang ituturing naming anak."

Kaya rin hindi matanggap-tanggap ng mama si Sarah bilang apo. Noon pa man ay tutol na ito sa plano kong pag-aampon.

Mabuti na lang at napilit ko si Liam... kaya't dahil kay Sarah ay naging buo ang pangarap naming pamilya ni Liam noon, na kung tutuusin ay gusto niya pang bumuo kami ng basketball team. Hindi nga lang nakisama ang matres ko para punan ang pangarap na 'yon.

"Hindi mo naman masisisi ang Madam Imelda kung sumama man ang loob niya sa iyo. Kung ipinagpatuloy mo lang noon ang pag-inom ng mga herbs na iniinom mo ngayon, o pumayag ka sa surrogacy, marahil naging maganda pa ang relasyon mo sa biyenan mo." 

"Kaya ko pang sikmurain 'yong pag-inom ng herbs, nay," I muttered in between laughs, "pero 'yong surrogacy? Hindi naman pagkain ang isang sanggol para ipalagak sa matres ng kung sinong babae. 'Yon ang hindi ko kayang gawin in the name of having our own child."

Kinuha ko ang remote sa ilalim ng pwet ko dahil hindi ko namalayang naupuan ko na pala ito. And then I turned off the TV before getting up from my relaxing seat. 

"Huwag n'yo na lang po sanang banggitin pa kay Liam na aalis ako ngayong araw," pakiusap ko. "I just have to make sure that Liam has no signs of having a mental disorder."

Vengeance of the BatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon