“The operation was still ongoing when I left the hospital. Baka raw tumagal ‘yon nang mahigit lima o hanggang pitong oras.”
Nang makauwi ako sa bahay, saktong naabutan ko si Lucile na ipinaparada ang kotse niya sa gilid ng kalsada. Wala man lang siyang pasabi sa akin na may balak pala siyang dalawin ako.
“I just couldn’t stay there way longer. Mababaliw ako roon sa pag-aalala.”
“How sure are you that she was really Sarah’s biological mother?”
“Sinabi sa akin ng kapatid mo-”
“And you know you can’t trust nor believe him all the time,” balewalang tugon ni Lucile nang diretsyuhin niya ang kusina para magbulatlat doon ng makakain sa pantry.
Pati nga ref namin ay pinakialaman niya na rin. “Wala ka bang yogurt d’yan?”
“Tindahan ba ng yogurt ang bahay ko?”
“Hindi ka bumibili ng yogurt t’wing nag-go-grocery ka? OMG! Bakit?”
Kung maka-react naman sa akin si Lucile, parang isang napakahalagang pagkain sa araw-araw ang hindi ko binibili sa grocery, e yogurt lang naman ‘yon. Ang OA.
“Hindi ko lang type-”
“Si Audrey?”
“Yakult ang pinabibili niya sa akin lagi. Ayaw niya ng yogurt,” sagot ko.
Pinaalis ko siya sa tapat ng ref kasi higit dalawang minuto nang bukas ‘yon, e aksaya kaya sa kuryente ‘yon.
“Ikaw ba… anong ginagawa mo rito? Manghihingi ka lang ba ng yogurt?”
“Aside from that…” Sa paghahanap niya ng yogurt sa ref ko, ‘yong Vanilla Latte Hot Brew ng BTS ang nakuha niya.
“Inutusan ako ng entitled kong magiging future sister-in-law na si Jessica na iabot ito sa iyo.” She handed me a small white envelope, and inside was a dusty gold and blue foiled card there. “They are expecting you to come, Kris. Pero may freedom of choice ka namang ‘wag pumunta kung maaalibadbaran ka lang kay Jessica, or baka mamaya ay ma-trip-an mo pang tumutol sa kasal. Sayang badget.”
“Thanks for giving me the idea-”
“Nag-jo-joke lang ako, Kris!”
Mabilis kong tinakpan ang bunganga ni Lucile na saksakan ng ingay. Ipinatungga ko na lang sa kanya ‘yong kapeng kinuha niya sa ref.
“Hindi ba’t sinabi ko sa iyong ‘wag mo akong tatawagin sa pangalan na Kris ‘pag nandito tayo sa bahay? Audrey is upstairs. What if she hears you?”
“Sorry… okay? Pasensya.” She acted like zipping her mouth. “Pero ‘wag mong gagawin ‘yong sinabi, ha?”
“Marami akong trabaho para pag-aksayahan pa ng oras na tutulan ang kasal nila, sis. Baka nga ‘yong pag-attend sa wedding nila, hindi ko pa maisingit sa schedule ko since kailangan ko nang pumasok sa trabaho simula bukas. Rocco informed me that I was overloaded with meetings, paperworks and appointments with just not being around there for three days and a half.”
“So, papasok ka mamaya? Kasi may butal na kalahati.”
“I was planning to. Kaso manghihingi na lang din muna ako ng update kay Liam tungkol sa lagay no’ng pasyenteng inoperahan nila kanina-”
“What if the patient is really not the mother?” Again, pinag-overthink na naman ako ni Lucile by asking that question.
“Liam can manipulate things in every possible way. I don’t know, but… what if gagamitin niya ang bagay na ‘yon na ipakilala sa iyo ang pasyenteng ‘yon bilang biological mother ni Sarah para hulihin ka niya sa akto na…”
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
ChickLitKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.