“Kris, anong ginagawa mo rito?”
Hindi pa man ako tuluyang nababalik sa katinuan, I saw Henrix entering the room.
He gave me a quick glance before throwing his attention to the patient. “Kumusta naman po kayo, Mang Luisito?”
“Nako, doc… Okay na okay ako. Magaling kasi ‘yong doktor na gumamot sa akin at sobrang maalaga pa ng mga nurses dito.”
“Mabuti naman po kung gano’n.” Agad na lumapit si Henrix sa akin tiyaka niya hinawakan ang kamay ko. “She’s my wife... Kris. Nakakagulat na kilala n’yo po pala itong asawa ko?”
“Ahh, asawa mo pala siya, doc.”
“Yes. And… Uhm... May we excuse ourselves for a moment?”
Agad akong hinatak ni Henrix palabas ng kwartong ‘yon, pero nananatili pa ring gulong-gulo ang isip ko sa mga katanungang nanganganak na naman sa dami.
“What are you doing here?”
“You… too?” balik ko sa kanya ng tanong. “Dito ka na ba naka-duty?”
“They needed me here. Kulang sila sa mga doktor dito, so kahit mahirap para sa akin na isiksik sa schedule ko na kahit isa o dalawang beses lang sa isang linggo na mag-duty rin ako rito, e hinayaan ko na.”
“Though I ain’t wishing to earn more income when I decided to have my duties here as well, but the opposite.” Nakatanaw siya sa bintana kung saan sinusulyapan niya mula roon ang mag-ama. “Patients need doctors, and us… we need to provide the best healthcare we could offer.”
Bumalik sa akin ang atensyon niya. “Kaya kung hahayaan ko lang na magkulang ang mga doktor dito sa kabila ng pagbugso ng mga pasyente, lalo na no’ng mga nakaraang linggo… maraming pasyente ang hindi magagamot kung kulang ang manpower.”
“And we hate to let the patients wait to be cured.”
Kaagad na may alaalang nag-flash sa utak ko—when my mother died because of waiting for the doctors to admit her… to accept her na papasukin sa ospital at magamot—all because of creating fake health regulations.
Namatay ‘yong nanay ko sa kakahintay sa mga doktor na ‘yan na asikasuhin siya at magamot. Namatay siya sa labas ng ospital sa kakahintay sa wala.
“You don’t have to explain. Enough na sa akin ‘yong sagot mo, Hen.”
“E, ikaw? Anong ginagawa mo rito? Paano mo nakilala ang taong ‘yon?”
“Just… a one, big error.”
I was just looking at him straight into the eyes, like I’m not afraid na hindi niya ako mahuhuling nagsisinungaling lang.
“Paalis na rin naman ako para balikan na si Aud. Her doctor told me she’s ready to be discharged now.”
“Ako na ang maghahatid sa inyo pauwi-”
“Don’t waste your energy, Hen. Hindi na kami babalik sa iyo. We’re going home… to our new home.”
“With whom? Kasama si Liam?”
“Come on, stop thinking he’s a threat to you. Sa inyong dalawa… wala kaming sasamahan ng anak ko. If this seemed to be a battle, walang panalo. Wala ring talo.”
Inayos ko ang pagkakasabit ng stethoscope sa leeg niya. “Kaya parang awa mo na, Henrix… ‘wag mo na kaming guluhin ng anak ko. P’wede?”
“Kahit bisitahin man lang kayo?”
“Kung ako ang nasa katayuan ni Maui… buntis ako at sa akin ka ikakasal, hindi ko magugustuhan kung ‘yong mapapangasawa ko, dinadalaw pa rin ‘yong ex wife niya at ‘yong anak-anakan niya rito. Kasi baka wala pa mang kasalan na nagaganap, masira na kayo agad dahil sa selos.”
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
ChickLitKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.