Saktong bumubukas ang pinto, akala ko ay si Audrey na ‘yong dumarating… kaso si Henrix ang pumasok sa bahay.
Nakita ko pang may bitbit siya na mga supot ng pagkain. Napansin niya yatang wala nang laman ‘yong ref kaya siya na ‘yong nag-grocery.
“Bakit ka nag-aayos ng mga gamit mo? Aalis ka?”
Ibinaba niya lang ‘yong mga supot sa lamesa at agad niya akong tinunguhan dito sa may living area, kung saan itinambak ko ‘yong mga gamit ni Audrey rito para iimpake na.
“May business meeting kayo? Saang lugar? Gaano katagal?”
“Hindi. Pinagbabakasyon kasi ako.”
“Para saan?”
“Nagawan ng paraan para gawan ako ng isyu… kaya sikat ako ngayon sa mga balita. Pati na rin sa social media. E, nagkasundo rin ang board na pagbakasyunin ako hanggang sa humupa ‘yong issue… so, I’m packing my things now.”
“Saan ka naman n’yan pupunta? Isasama mo si Audrey?”
“Kaysa naman iwan ko sa iyo.” Hindi pa rin ako natitinag sa pagtitiklop ng mga damit sabay pasok nito sa maletang nakahanda. “Kung nag-aalala ka sa amin, ‘wag ka na mag-effort. Kahit wala ka, kaya kong alagaan si Audrey.”
“Sabihin mo sa akin kung saan kayo magpupunta. Susunod ako-”
“Bakit hindi ka na lang sumama ngayon kung may balak ka talaga?” Natawa ‘ko, ‘yong pang-bitter. “O baka naman mayroon kang hindi maiwan.”
Makita ko ba namang nag-p-propose siya sa babaeng ex niya lang daw, sino ba namang hindi ma-b-bitter doon, ‘di ba?
Sa mundong marami ang naniniwalang talo ng present ang ex, sa nangyayari ngayon sa buhay ko… talo ng ex ‘yong taong hindi naman talaga minahal kahit minsan.
“I still have something to do here na hindi ko p’wedeng iwan-”
“As predicted.” Hindi ko siya mabigyan ng genuine na ngiti, kaya fake na lang muna.
As I stopped from folding the clothes, I finally saw his handsome face looking at me.
Ang sarap mapasabi ng, ‘Ang gwapo niya sana, kaso hindi ako ‘yong mahal.’
“Oo nga pala, congrats sa inyo ni Maui. Kakaiba ‘yon, ah? Outdoor proposal? Invited ba ako sa wedding?”
“W-What?”
“Hindi mo siguro in-expect na nasa vicinity ako no’n, ‘no? Dahil kasi sa palabas n’yo, nag-cause ‘yon ng traffic. E, isa ako sa naipit.”
Itinatawa ko na lang ‘yong sakit na nararamdaman ko. Tinatawanan ko na lang ang lahat kahit na malapit nang sumuko ang katawan ko na pigilan ang sariling umiyak.
“Kahit bisita na lang ako, okay lang-”
“Kris, kung anuman ‘yong nasaksihan mo kanina… you’re wrong. It’s not supposed to be like that.”
“So, kasalanan pa pala ng utak ko na isipin na gano’n ‘yon?” Nalamukos ko ang hawak kong kamiseta ni Audrey at hindi na napigilan ang sariling ibato ‘yon sa mukha ni Henrix.
“Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang itago sa akin ang lahat, Henrix. Ano bang iniiwasan mong mangyari? Quota’ng quota ka na sa akin sa pagsisinungaling mo-”
“Ayokong masaktan ka,” mahinang tugon nito.
“Since when did I become a sweet husband to you—even when it’s fake? Have I made you happier than the happiness that Liam gave to you before? Have I made sure you won’t regret accepting the offer I’d given to you?”
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
Genç Kız EdebiyatıKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.