Chapter 37

3.6K 73 3
                                    

Gusto kong makasigurado kung si Henrix ba talaga ‘yong lalaking nakita ko. So, I was planning to go upstairs as well when someone grabbed my hand.

Hinihingal na si Liam ang nakasalubong ng mga mata ko.

“Nasa ospital si Audrey.” 

Ang mga salitang narinig ko ang nag-urong sa sarili ko na sundan pa ‘yong dalawa sa second floor. Hindi ko na muna sila inintindi dahil nagmamadali akong sumakay ng sasakyan patungo sa ospital kung saan dinala ni Liam ang anak ko. 

“What the hell has happened?!” In a situation like this, no one would ever be able to ask me to calm down. “Unang araw na kasama mo ang anak ko, anong ginawa mo, Liam?!”

“I… I don’t even know-”

“Doktor ka! Bakit ‘di mo alam?” Sa kabila ng pagmamaneho ko nang matulin, nagawa ko pa siyang pasadahan ng tingin kahit saglit. “I gave you ¼ of my trust and all I ask of you is to take care of Audrey for me! Hindi ko sinabing ospital ang mag-aalaga sa kanya!” 

Damn it! Damn! Gigil na gigil ako ngayon. Gusto kong manuntok. Gusto kong mangurot. Gusto kong manakit!

Pero hindi nga lang ako ginawang demonyo ng Panginoon para gawin ‘yon—at sa huli, nasaktan ang kamao ko sa walang-humpay kong paghampas sa manobela na lang. 

“I’m… sorry-”

“Hindi mo na malalapitan ang anak ko ‘pag nalaman kong malala ang kondisyon niya, Liam.”

“It’s not fair!” he objected. “Kris, hindi ko naman ginusto na habang namamasyal kami sa mall ni Audrey, bigla na lang siyang nahimatay. If you’re thinking I’m hurting her, hindi mo ako naiintindihan.”  

“Then enlighten me! Ano ba kasing nangyari?!” 

I think it’s time I should listen to someone’s point of view. Hindi man kasali sa pag-uugali ko noon ang pinakikinggan ang sinasabi ng iba, because I have been this type of person not opening myself from one’s explanation. Nag-c-conclude ako nang sarili lang, and not bothering myself hearing their side.

Because before, minulat ako sa paniniwalang hindi ko na kailangan ng explanation nila kung malinaw naman ang mga mata kong natunghayan ang isang pangyayari.

Before, I really thought everything that other people say will always be lies; and lies and those liars carve a deep wound in me… causes me to become traumatic.

“Sumama lang si Audrey sa akin kanina no’ng dumating si Henrix sa condo unit n’yo. Mahigit isang oras din kasi akong pinaghintay ng batang ‘yon sa labas ng condo n’yo, and she says she’s not going to open the door unless it’s Henrix who’s knocking.”

Continuous sighs is all I heard from Liam.

“Pero hindi ako umalis. Sumubok ako ng iba pang way para lang makumbinsi siya na sumama sa akin na lumabas at mamasyal. I even followed your advice to tell her we’re going to watch movies in cinemas. And even used the idea that I’m going to pay all her expenses for today; that she could buy anything she wanted to buy as my…” 

“My way to bribe her.”

Hindi man ako nakatingin sa kanya ngunit batid kong sa nakatalikod niyang katawan sa akin, sa harap ng salamin ng bintana siya nagpapatuyo ng luha.

Because his shoulders are quite shaking.

“Lahat ng efforts ko… walang nagawa. With Henrix’ arrival, tiyaka lang napapayag si Audrey na sumama sa akin na mamasyal. And I promised to her we’re just going to the nearest mall within 30 minutes only.”

Vengeance of the BatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon