“Kris, pag-usapan naman natin ito. ‘Wag ka ngang gumawa ng padalos-dalos na desisyon-”
“Matagal ko na ‘tong pinag-isipan, Hen!”
Panandalian muna akong huminto sa paglalagay ng mga damit sa maleta dahil rinding-rindi na ako sa paulit-ulit niyang pagpipigil sa akin na ‘wag kong ituloy ang plano kong umalis ng bahay.
“Noon pa man, dapat hindi na ako pumayag sa lintek na plano mo, Hen. Kasi mali. Hindi ko inisip kung anong p’wedeng mangyari sa akin sakaling pumayag ako… ako ngayon ang naging kawawa!”
“I can explain everything to you-”
“H’wag na. Hindi ako bobo para kailanganin pa ang paliwanag mo. Kasi ako na mismo ang tumuklas ng katotohanan…”
I averted my gaze, looking anywhere except him. “I knew it from the start… na noong nalaman kong patago mong kinikita si Maui, nagkabalikan na kayong dalawa. Don’t ever try to deny it. Because evidence speaks everything.”
“Wala naman talagang emergency noong nakatanggap ka ng urgent call no’ng nahuli ko kayo sa aktong magkasamang kumakain-”
“Iniisip mo bang may meaning ‘yon-”
“That was from Carl. Your friend. He confirmed to you that Maui’s pregnant. Dahil sa katunayan, ang sinabi lang naman sa iyo ni Maui para samahan siya sa OB niya ay upang ipatingin na mayroon siyang ovarian cyst. Tama ba ako?”
“As if there’s anything left that you still don’t know.”
“Are there more? Maliban sa…” Muli akong tumalikod sa kanya para ipagpatuloy ang pag-iimpake ng mga damit. “Plano mong tapusin na ‘yong relasyon natin para si Maui na ang mapakasalan mo?”
“Wala akong planong gan’yan, Kris.” Pilit niyang pinipigilan ang braso ko sa paglalagay ng mga damit, but I also kept pushing him away. “Kung kanino mo man nalaman ang tungkol d’yan-”
“Hindi naman imposible, ‘di ba? Patatayuan na talaga kita ng rebulto sa pagiging tanga kung pipiliin mo kami kaysa kina Maui. That woman is carrying your child, Henrix! Pinapadali ko na ang buhay mo para hindi ka na mahirapang mamili…”
As I turned around, nauntog ako sa dibdib niya. Gano’n siya kalapit sa akin, kaya itinulak ko siya palayo.
“Pero bakit ayaw mo pa rin? Ano ba talagang gusto mo? Ipipilit mo na dalawa kaming babae sa buhay mo? You know you can’t have us both! ‘Wag mong hayaan na ‘yong iba, lunod na lunod sa lungkot kasi single sila. Tapos ikaw, dala-dalawa ang babae mo!”
“Enough with your hallucinations, Kris! All the doubts forming in your head would not have the clarifications it wants if you keep stopping me to let me explain everything to you!”
Humupa ‘yong pag-aalburoto ng puso ko na sumabog noon ding pagtaasan ako ng boses ni Henrix. I’m still terrified of someone raising their voice at me, so my body settles down in a moment.
“Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ‘yang mga pinagsasabi mong ako ‘yong ama ng batang dinadala ni Maui. At mas lalong hindi naman kami nagkabalikan, Kris. So, paanong may kasalan na mangyayari kung hanggang ngayon, hindi naman kami?”
Is he denying the truth? Gusto niyang pagmukhain na nababaliw lang ako? At ‘yong mga suspetsya ko sa kanya noong nakaraan pa… mali lahat ‘yon?
“Kris naman… stop being like that. Wala akong kababalaghan na ginagawa. Stress ka lang dahil sa sobrang busy mo at sa rami rin ng ginagawa mo. ‘Wag mo nang dagdagan pa ang poproblemahin mo just because of your thoughts keep ruining your mind.” I was stupefied with the words he said, that I can’t move my body away from him when he did the act, and hugged me from my back.
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
ChickLitKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.