Nawala ang angas ko sa ginawang paghawak ni Liam sa kamay ko. Sobrang higpit nito na tila ayaw niya akong pakawalan habang ang mga mata niya’y kasingbagsik ng apoy kung makatingin.
And I know this kind of scene. Napanood ko na ‘to at ilang beses na rin nangyari.
“Excuse us,” malamig na sambit ni Liam at walang ano-ano’y hinila niya ako paalis sa venue kung saan tadtad ng mga bisita ‘yon na nakikiusyoso sa ginawa kong eskandalo kanina.
And my body settled down from crying. Ngayon ay napalitan ng takot ang pag-aalala at paghihinagpis ko sa nanay kong nag-aagaw-buhay na. Itinulak niya ako papasok ng kwarto namin. Kumalabog nang sobrang lakas ang pintuan nang isarado niya ‘yon, habang ako ay walang nagawa kung hindi ang protektahan ang baby ko gamit ang sumasakit kong braso.
At this time, kaya ko namang tiisin na saktan na naman ako ng asawa ko, ‘wag lang ‘yong baby ko.
“Hindi ka ba nag-iisip? Ang daming tao sa baba, doon mo pa talaga naisipan na magkalat? Punyetang buhay ‘to! Sa harap pa ng mga kaibigan ko, doon mo ako pagsasalitaan na halos mawalan ka na ng respeto sa akin bilang asawa mo?!”
“M-Mamamatay na ‘yong nanay ko, Liam. Anong gusto mong gawin ko-”
“Edi hayaan mong mamatay!” Bigla ko na lang gustong sumabog sa galit nang sabihin niya ‘yon. “Hindi mo naman na kailangan ‘yang nanay mong sakitin, Kris! Hayaan mo nang mamatay para hindi na siya mahirapan. May bago ka nang pamilya, hayaan mo nang mamahinga ‘yang nanay mo!”
“N-Naririnig mo b-ba ang s-sinasabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ang lumabas sa bibig ko. “Hindi ko akalaing… nagpakasal ako sa isang demonyo. And you call yourself a doctor with your unprofessional words and actions?!”
“Ngayon naman gusto mong kwestyunin ang pagiging doktor ko?” Pasakal niya akong inangat mula sa kama, and I really can’t breathe properly sa higpit ng kamay niyang nakasakal sa leeg ko. “Beg for your life, Kris. If not, kayang-kaya kitang patayin.”
I know the man I’m now talking to was not my husband. He changed again. He changed in the form of his murderer side… and I was like… instead of choosing to live with him… I’d rather beg him to kill me.
“Beg for your life!”
Tumilapon ang katawan ko sa sahig, tumama pa ang likod ko sa gumuhong side table sa lakas ng pagtama ko roon. Mangiyak-ngiyak kong dinaing ang kumikirot kong likod… ngunit mas lalong bumuhos ang luha ko nang makita ang umaagos na dugo sa pagitan ng aking binti.
“N-No…” Nanginginig ang mga kamay kong hinila ko ang laylayan ng suot kong damit at dali-daling pinunasan ang mga dugo.
Okay pa naman yata ako-
“Bakit ka dinudugo? Buntis ka ba, Kris-”
“Ano pa nga ba?!” Batid na panay ang buhos ng luha sa aking mga mata, tiningala ko ang mukha ng asawa kong mukhang nagbalik na sa kanyang katinuan. “At kung iisipin mo pa rin ang safety ng iba para hayaan mo akong duguin dito imbes na sana ay dalhin mo na ako sa ospital, for the second time, Liam… we’ll going to lose a child!”
“I’m not going to do that.”
Binuhat niya ako’t nagmamadaling inilabas sa bahay at isinakay sa kanyang kotse. Hindi kami sa garden area dumaan dahil mahirap na’t magkagulo pa ang mga bisita namin doon.
At habang nanghihinang nakaratay ang katawan ko sa upuan ng kotse, mangiyak-ngiyak pa rin ako sa mga nangyayari. Wala man lang akong magawa para sa nanay ko… at ngayon, dahil sa ginawa ni Liam sa akin, posibleng mawalan na naman kami ng anak. And if ever that happens… hitting two valuable things in my life in one stone… I’ll have no will to continue living.
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
ChickLitKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.