"Bakit ang tagal naman nila magbihis? Naka-gown ba ang mga 'yan sa dance practice?"
"Madam, palabas na rin sila. Kinalampag ko na. Nag-chi-chismisan pa kasi kanina-"
"Kailan pa naging chimisan venue ang workplace, Melanie? Iharap mo sa akin ang mga 'yan, and let them show me their business!"
"Ito po kasi 'yon, madam." Inilapit ni Melanie sa akin 'yong hawak niyang tablet, and a news update was on the screen.
'Sinugod ng mga fans nina Tanya, Echo at Corrine ang eksaktong lokasyon na tinatayuan ng tinaguriang 'fav kainan ng masa', ang Eight All You can; isang Buffet restaurant na pagmamay-ari ni Imelda Soriano.
Matapos mai-release ang press conference kalakip ng panayam ng tatlong biktima ng food poison sa nasabing restaurant, nagkagulo ang mga fans at nagkaisa na sugurin ang restaurant na pinaniniwalaan nilang wala na itong karapatan pa na manatili sa business industry because of the act of negligence.'
"I never really thought I would be a victim of food poisoning. Maganda naman ang reviews ng mga tao roon sa restaurant. The foods are clean and delicious. The place is neat and clean. Although always crowded everyday dahil nga patok sila sa mga mamamayan."
"But it is also part of their responsibility to serve the foods to their customers clean and healthy, and safe from harm."
Si Corrine 'yong nagsalita, na talagang disappointed sa palpak na service ng restaurant.
"Ang lala ng pinagdaanan kong pamimilipit ng sakit ng tiyan matapos kong kainin 'yong pagkain. Masarap naman talaga. That's undeniable. Pero na-trigger 'yong bituka ko all of a sudden. This is a very bad experience! The owner herself should face all the accusations we are now throwing at her."
Matapos kay Tanya, lumipat 'yong camera kay Echo.
"We're not bad mouthing anyone's business here. Biktima kami, e. We're a victim of a reckless service, and because of that, our health was harmed. I hope this would serve as a warning to everyone na maging maingat sa mga lugar na kakainan n'yo. Suriin nang mabuti ang mga pagkain. We're using our platforms to give awareness. Sana hindi n'yo tingnan 'yon bilang masama."
Natapos ang press conference na ipinakita sa balita sa panayam ni Echo. And that's actually the plan we've prepared.
Karapatan naman talaga nila na magreklamo for receiving a bad service from that Imelda's restaurant. Ngayong nadungisan na ang pangalan ng restaurant niya sa mga tao, at talagang sinugod pa siya ng mga fans nina Corrine para magwelga roon, I think that's the reward she really deserve to have.
"I wonder about the future of her business now. Sayang naman kung bibitawan niya nang gano'n na lang, 'di ba?" Kunwareng concern ako sa business ng iba, pero syempre deep inside, nagkakaroon na ng celebration ang mga cells ko sa katawan.
Lumabas muna ako ng studio habang wala pa naman 'yong mga pabebeng babae na kay tatagal magbihis. Dance practice lang naman 'yong panonoorin ko, e ang kukupad pa kumilos. Hindi ubra ang kilos-pagong lalo na 'pag nag-held na sila ng first ever nilang concert ngayong taon.
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
Chick-LitKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.