Chapter 28

3.4K 81 2
                                    

Sa susunod na araw kami magtutuos ni Imelda ayon sa mga pulis. Mukhang may schedule pa ang bruha, dinaig pa ang mga businessman na hindi mapirme sa upuan nila dahil kabilaan ang meetings at conferences.

Okay na rin naman sa akin ‘yon dahil minamadali rin ako ni Rocco na pabalikin ng Aether. 

“Anong kaartehan ang nagaganap dito?” 

“Sis, naka unli call and text ka ba? Kasasabi ko lang kanina, ‘di ba?”

Sa ginawang pagbulong ni Rocco, mas nabwisit lang ako lalo. 

“Okay, fine,” he mouthed and stepped away from me. 

“Paano ka magiging successful n’yan kung lagi mong paaandarin ang kaartehan mo, Zia? Kabago-bago mo rito, inaartehan mo na ako agad?” 

“Then who’s fvcking human can eat a frog? Never akong pinakain ng family ko ng palaka. Nakakadiri. Mabaho. Malansa! And you’re asking me to eat that fvcking animal now?!” 

Narindi ako sa matinis niyang pagsigaw sa akin. Kung mapagtaasan nga niya ako ng boses, parang ako pa ang empleyado sa aming dalawa ngayon. 

“May I remind you who you’re talking to right now?” I bragged, reminding her that I’m sitting higher than her.

“I’m one of the founders of this entertainment you’re working with now. Pinopondahan kita sa pagiging soloist mo. Given that you’re still a beginner and just began to acquaint your name to the public just now, apparently you’ve worked here for just a couple of months… p’wede pa kitang patalsikin dito kung hindi mo aayusin ang ugali mo.”

“You can’t do that.” Makapal ang mukha niyang taasan ako ng noo na ‘kala mo isa siyang malaking kawalan sa agency namin.

“Verified na ang tiktok account ko, madam. Though 756k pa lang naman ang followers ko roon, at least ay verified na ako. Hahayaan mo bang mawalan ng isang verified artist ang agency na ito?” 

Napuno ng halakhak ang silid… halakhak ko. Ako lang ‘yong natawa samantalang ang mga kasama ko, e ang ke-KJ. Hindi man lang ako sinamahan para naman hindi ako mukhang tanga.

“Kung ‘yan lang ang kaya mong ipagmalaki sa akin, hinding-hindi ako manghihinayang na pakawalan ka. You are free to go now, Zia. Maluwag ang pinto, bukas na bukas… p’wede ka nang umalis.” 

“Are you serious-”

“Seryoso ako kanina pa.”

Nawala bigla ‘yong angas na suot ng mukha niya kanina.

“Talented artist ang kailangan ko, hindi ‘yong kagaya mong verified artist nga sa tiktok… ang laki naman ng attitude problem.”

“Ayoko sa lahat ‘yong inaartehan ako. Hindi para sa mga maaarte ang pag-aartista, kaya kung patuloy kang magiging gan’yan, tumanga ka na lang sa bahay n’yo habambuhay.” 

Before leaving the place, I talked to the head of music video production, “Stop this fvcking shit immediately. ‘Wag na nating ituloy ‘to hangga’t wala pa namang gaanong nauumpisahan.”

“Are we totally going to leave this project high and dry?” 

“No… we’re going to find her a replacement.” 

*****

“Kunwari ka pang hindi interesado sa nanay ni Sarah, e dinadalaw mo nga.”

Nang makalabas ako ng hospital room matapos kong dalhin ang isang basket ng prutas sa natutulog na siyang biological mother daw ni Sarah, si Liam ang sumalubong sa akin sa labas.

Vengeance of the BatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon