Chapter 36

3.6K 74 17
                                    

Hinanap ko na sa mga lugar na alam kong naglalagi si Lucile pero wala akong bakas ng anino niya ang nakita man lang.

Sarado ang bintana at pinto ng bahay niya. Sa paborito naman niyang bar na pinupuntahan, wala rin siya roon. Even in her favorite hair salon, I don't see any traces of her.

Isang lugar na lang ang naiisip kong p'wede niyang puntahan-ang nanay niyang demonyita rin.

So, ang daan patungo sa restaurant ni Imelda na noon ay sinira ko ang naging destinasyon ko. Para na rin makumusta ko kung ano nang lagay ng restaurant niya, at kung dinudumog pa rin ba 'yon ng tao sa kabila ng paglilinis nila sa pangalan n'yon after nilang ibintang sa akin pabalik ang tungkol sa issue.

And as I arrive at the place, I see a lot of improvement than the last time I went here.

Noong unang beses kasi na nagtungo ako sa lugar na ito, naka-tarpaulin lang 'yong pangalan ng restaurant tapos nakasabit lang sa puno. But the change happened to here, gamit na nila ngayon ay billboard. Sa gilid ng tinatayuan ng restaurant ay may malaking billboard at doon naka-display 'yong restaurant name.

"Nakakaluwag-luwag yata ang madam," I whispered to myself as I couldn't unfasten my gaze looking up to the name displayed.

Maski ang pintuan rin bago makapasok ay bagong linis ang salamin at mayroon pa itong decoration sa gilid. Mga decorations for Christmas since the holiday is nearly coming, at mayroon ding mga christmas lights.

Hindi pa umiilaw since umaga pa lang naman. But I bet the door would show itself beautiful if the lights are turned on.

"Compared to before, your restaurant now becomes classy and has now the potential to be lined up to other five-star restaurants around the country," I complimented the overall look of the place.

Hindi na sila asado sa mga papel lang na nakadikit sa counter kung saan doon naka-display ang menu nila, ngayon ay monitor na ang gamit nila at doon naka-flash ang old menu and their new menu as well.

High-tech na sila kung baga. Nagkaroon na ng budget na bumili ng ibang mga equipments na kailangan at napalitan na rin ang ilang mga upuan nila na umuuga pa 'pag inuupuan.

"Mukhang bayad ka na sa mga utang mo kaya napagkakagastusan mo na itong negosyo, 'no?"

"Kung hindi ka naman kakain dito, umalis ka na lang," ang natanggap kong sagot mula sa ma-pride na si Imelda after kong bigyan ng compliment ang restaurant niya.

"Hindi ito lugar para makipagdaldalan sa iyo. Kainan ito hindi chismisan area."

"Baka lasunin mo pa ako if kumain ako rito."

"Mas tama sigurong sabihin na baka lasunin mo ang sarili mo para lang sa restaurant ko ulit maibintang ang sisi, and this time ay maipasara na kami."

She crossed her arms around her chest and the way she smirks at me added the fuel in me to burn. "Sa kadesperadahan mo tuloy na mapabagsak ang negosyo ko, ikaw ngayon ang bumabagsak."

"Kumusta na ba ang trabaho mo? Binigyan ka na ba nila ng petsa kung kailan ka mawawalan ng trabaho?" she continues teasing me by using the recent happenings to my life as her way to insult.

The thing with the past issue won't stop as soon as the issue won't be justified. Hindi ako titigilan ng mga tao sa kakabato ng issue na ako ang nagmumukhang masama kung hanggang ngayon ay hindi pa rin 'yon natutuldukan.

And my name wouldn't be clear and won't show as innocent until I proved they are accusing the wrong person.

Dahil kagaya ng ginagawang pang-iipit sa akin ni Imelda, hindi ito matatapos hangga't hindi ko nalilinis ang pangalan ko.

Vengeance of the BatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon