Chapter 10

7.3K 133 7
                                    

“Sure kang kay Imelda Soriano ang kabubukas na restaurant na ‘yan?”

“Opo, ma’am. Buffet restaurant po ‘yan, and ang alam ko po ay nag-grand opening na po sila noon pa pong isang linggo. Nakakagulat nga po na hanggang ngayon ay dinudumog pa rin po sila ng mga customers.”

“Balita ko rin po kasi ay bukod sa mura ‘yong mga foods, masasarap din daw po,” dagdag pa nito.

“Oo o hindi lang naman ang hinihingi ko sa iyong sagot, Dianne. Sinabi ko bang dagdagan mo ng explanation?”

Bakas sa mukha niyang hiyang-hiya siya dahil doon. Napakadaldal naman kasi.

“Anyway, I want you to keep an eye on that place.”

“P-Po? Ano pong gagawin ko-”

“Madaldal na nga, lutang pa. Ano ka ba, Dianne? Hindi ka ba nakapag-breakfast?” I pronounced, irritatedly. “Basta manmanan mo ang lugar na ‘yan at bigyan mo ako lagi ng update. Klaro?”

“Yes, ma’am.”

Balak ko rin sanang puntahan o kahit bisitahin man lang ‘yong loob, kaso ang daming tao. Pati nga ‘yong labas ng restaurant ay mayroon nang mga silya at table doon, and roon na kumakain ‘yong ibang customers dahil ang loob, puno na siguro.

Mahaba pa rin ang pila, by the way. Mukhang patok na patok nga sa masa ang bagong business ni Imelda.

“From what I’m observing now, I’m becoming more excited to ruin her business,” I whispered in the back of my head.

Mas intense kasing manira ng buhay ‘pag alam mong malaki ‘yong mawawala talaga sa kanila.

And by letting myself witnessed how Imelda’s first ever business in her entire life become successful at its first week in the business industry, sigurado akong legit din ‘yong hapdi at sakit na mararamdaman niya once she saw her restaurant drowning into the waves of my vengeance.

“Ihinto mo,” utos ko kay Dianne nang bigla kaming madaan sa isang coffee shop. Nag-crave ako bigla for a frappé kaya bumaba muna ako sa kotse para bumili nito.

Napaka wrong timing nga lang ng naging pag-crave ko sa frappé because when I entered the coffee shop, aside from all I seen here are lovers—na parang nag-de-date kahit na lipas naman na ang Valentines day—but also, on the front table, I’m not expecting I would see Liam and Jessica drinking coffee and eating sweets.

What a wonderful day to start.

“One frappé, please,” ang sabi ko sa counter.

Pinahanap muna ako nito ng mauupuan habang naghihintay, but Jessica’s hand waving at me as if she wants me to join their table moved me walking towards them.

“It’s nice meeting you here, Miss Gwen. Have a seat!”

Bigla yatang ang bait sa akin ng Jessica na ‘to after kong maging rude sa kanya no’ng nakaraang nakausap ko sila.

“Nagmamadali ka naman ba? Or hindi naman?”

“I’m not in a rush.”

“Fantastic,” pag-react ni Liam, “to see that for the first time in a while, you’re not in a rush, Miss Gwen.”

I know that he’s being sarcastic by the way he delivers those words, pero kahit na! Nagngalit panga ko dahil doon.

“Dahan-dahan ka nga sa mga sinasabi mo, Liam. Don’t be rude to her!” pabulong na panenermon ni Jessica rito.

Ngunit ang mas ikinataas ng kilay ko ay mismong sa harap ko pa yumapos na parang linta si Jessica sa asawa ko—I mean, kay Liam.

“Pasensya ka na sa kanya, ha? He’s being rude sometimes, ‘pag… ‘pag alam mo na? Uhm… ‘pag nasosobrahan sa kape.”

Vengeance of the BatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon