Chapter 25

3.6K 83 3
                                    

“Tantanan mo na ang kahibangan mo sa namatay mong asawa.” I placed my right palm on his ampled chest as I pushed him away from me. “Kung hindi ka maka-move on sa kanya, ‘wag mo akong tingnan.” 

“Wala rin sa akin ang hinahanap mong Sarah,” I added. “Hindi ako search and rescue officer para hanapan mo ako ng taong nawawala, William Soriano. Kung hindi mo sana pinabayaan ‘yong bata, hindi ka mamomroblema nang ganyan, and worse… you’re accusing someone who’s not related to her to be the suspect.”

“Excuse me…” Ibinawi ko na lang sa ngisi ang tensyon na bumabalot sa katawan ko at ang panginginig ng nakatago kong kamao. “I’m innocent until proven guilty.”

“Her mother woke up.”

Saktong natalikuran ko na si Liam at inaya na si Rocco na umalis doon, tila traffic light ang narinig kong sinabi niya para maudlot akong magpatuloy sa pag-alis.

“That’s why I’m looking for Sarah. ‘Di ba gusto ng kapatid mong ibalik si Sarah sa nanay niya?” 

While still not facing him, I said, “Sana mahanap mo na ‘yang hinahanap mo.” 

Hanggat’t maaari ay hindi ako p’wedeng magpahalata na apektado ako sa sinabi niya. I’d rather keep this inside than let it be shown.

Sa sasakyan na ako naging aligaga na kunin ang phone ko para tadtarin ng text message si Lucile. She needs to inform her brother that Sarah is staying with her.

Bakit ko ba kasi nakalimutan sa kanyang ipaalala ‘yon? 

“Sino ‘yong lalaki, Gwen? Ang gwapo, ha?”

“Ex-husband ng kapatid ko.”

“Ohh… sister in heart naman tayo, ‘di ba?” rinig kong sabi pa niya. “Baka naman p’wede mong ipaubaya sa akin? Tutal ex-husband naman na pala-”

“Kahit hindi mo na hingin ang permiso ko, iyong-iyo na. Isaksak mo sa baga mo para hindi na ‘yan makawala,” balewala kong sagot.

Lantang-gulay ang katawan ko nang sumandal ako sa upuan at hinayaan nang malaglag sa sahig ng sasakyan ‘yong phone ko.

“H’wag mo lang ako sumbatan na hindi kita pinigilan ‘pag nagsimula ka nang magsisi na sana jumowa ka na lang ng babae kaysa sa kanya. Ayoko namang sirain ang sumpa ng… ‘nasa huli lagi ang pagsisisi’.”

“Ano?”

Kaysa pansinin pa si Rocco, nanahimik na lang ako sa loob ng sasakyan. Bahala siyang ma-curious sa sinabi ko, for all I care.

Kung may dapat man akong iniintindi sa mga oras na ito, dalawang bagay lang ‘yon. Pag-iisip ng dahilan once na magkita na kami ni Hen mamaya, at pangalawa… sana tuloy na talaga na maisauli na namin ni Liam si Sarah sa tunay niyang ina.

*****

“Wala pa ang daddy mo?” ang bungad kong tanong kay Audrey nang maabutan ko siyang busy kaharap ang computer at mukhang mayroon siyang ginagawang school works.

Ibinili kasi namin siya ni Hen ng sariling desktop since simula ngayon ay mag-o-online class na siya. 

“Katatawag lang po ni Daddy sa akin. Ang sabi niya po, e baka po bukas na raw po siya ng umaga makauwi,” sagot niya nang hindi man lang naabala ang sarili sa ginagawa.

Nakakalat sa sahig ang mga notebooks niya, mga printed learning materials, rulers at pens, pati ang ilang mga glue at colored papers. Ang kalat ng study area niya ngayon. Tatawagin ko sana ang yaya niya, kaso nakita ko nga pala siya kanina na busy pa pala na nagluluto ng dinner namin. 

Vengeance of the BatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon