Sobra akong nagsisi sa ginawa ko nang biglang mag-hyperventilate si Audrey. Nag-panic ako bigla kasi nasa kalagitnaan kami ng dagat, yet there’s no available clinic here.
I don’t know what to do.
“Audrey… no…” Tinapik ko ang pisngi niya while still catching her body na halos hirap na ngayong makahinga. “Please…”
Hindi ko na alam ‘yong gagawin ko. Kung uunahin ko bang iyakan ‘yong anak ko o subukang humingi ng tulong.
Sa sobrang desperada ko, sandali ko munang iniwan si Audrey sa labas para subukang pumasok sa loob at makiusap sa kapitan ng barko kung p’wede niyang ihinto ito.
“What the hell? Gusto n’yong itapon kami sa dagat sa kabila ng kondisyon ng anak ko? Buti sana kung may built-in clinic kayo rito!”
“I’m sorry, ma’am… it’s impossible na maihinto ang biyahe. Malayo na tayo mula sa daungan-”
“Handa akong magbayad ng kahit magkano basta pagbigyan n’yo lang ako! Please. Magkano ba?!”
“Ma’am, pasensya na po talaga-”
“Bubuhayin ba n’yan ang anak ko-”
“Kris.” Bigla na lang may humawak sa balikat ko. “Kasama na ng kaibigan ko si Audrey… and nakaalis na sila rito. They’re heading to the nearest hospital pagkarating ng daungan.”
“Sumama ka na sa akin?” Ikinagulat ko pa nang ilahad niya sa akin ang kamay niya, trying his best to pursuade me to come with him. “Kailangan tayo ni Audrey ngayon.”
Nilagpasan ko lang siya at tumuloy na sa labas, pababa ng barko para sumakay sa dala niyang speedboat. Dala naman na raw ng kasama niyang nakasakay sa deck boat ‘yong mga gamit namin ni Audrey.
Para ngang planadong-planado… na talagang sinundan pa kami ni Henrix hanggang kalagitnaan ng dagat para lang mapigilan kaming umalis.
Kung hindi lang nag-hyperventilate ‘yong bata, bakit ba naman ako sasama sa kanya pabalik?
“Huwag na kayong aalis ulit ni Audrey. Kung hindi ko pa kayo naisipan na sundan, ano sa tingin mo ang mangyayari sa kanya?”
“Nanay niya ako… kaya kong diskartehan ‘to kahit hindi ka na sana umeksena pa. Hindi mo na lang inatupag si Maui.”
Mataas ang pride ko na hindi kumapit sa kanya sa kabila ng tulin ng pagpapatakbo niya sa speedboat. May kapitan naman sa likod kaya bakit sa baywang pa niya ako kakapit?
*****
“Asthma ang cause kung bakit siya nag-hyperventilate, but you don’t have to worry since maayos naman na ang kondisyon niya.”
“Although she’s having a hard time regaining her normal breathing, she really needs rest right now. Wala muna sigurong biyahe, paggawa ng mabibigat na gawain para bumalik ‘yong lakas ng pasyente.”
“Thank you, Doc Celine,” pagpapasalamat dito ni Hen.
In-o-offer sa akin ni Henrix ‘yong upuan sa tabi niya para naman hindi ako nakatayo lang na naghihintay kay Audrey na magising, but I just chose to ignore him.
If possible pa nga, I want him to leave this room as well. Hindi ko kailangan ng presensya niya rito at mas lalong hindi na siya dapat pang makita ng anak ko.
“Have you heard the doctor say? Wala raw munang biyahe-”
“Both of my ears still function well. Malamang narinig ko.” Hindi ko gustong maging sarcastic, pero ‘yong opening statement naman kasi niya, e parang ipinapamukhang bingi ako.
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
ChickLitKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.