“Anong nangyayari dito?”
Naabutan ko ang dressing room nina Corrine, Echo, at ang bisita namin from Beatz Music na si Tanya na nagkakagulo. Ang mga staffs ay mga aligaga kung ano ba ang kukunin nila—because the three artists are squirming in abdominal pains right now.
“Ma’am, buti dumating ka na po. Nitong tanghalian po kasi ay dumating ‘yong in-order po naming foods para po sa lunch nina Miss Corrine. And then in just twenty or thirty minutes, sunod-sunod na po silang sumasakit ang tiyan.” Hindi mapakali sa pagpapaliwanag sa akin itong PA ata ni Corrine.
“Si Miss Tanya nga po, nagsuka pa,” turo niya roon sa mga staffs na abalang nililinis ‘yong area na siguro ay sinukahan ni Tanya.
“E, bakit n’yo pa ako hinintay? Bakit hindi n’yo agad isugod sa ospital ‘yang mga ‘yan? Baka kung napa’no na sila.”
“W-We’re waiting for your signal, ma’am. Kaya sabi ko po-”
“Ikaw ang nagsabi sa kanilang hintayin ako, Melanie? Putangina, mamamatay na sa sakit ng tiyan ‘yong mga artista ko, talagang hinintay n’yo pa muna akong makarating dito bago kayo gumawa ng aksyon?!”
Hindi talaga ako palamurang tao pero itong si Melanie, pinipilit magkasala ang dila ko dahil sa talento niya na pagiging tanga.
“Benj, ihanda mo na ‘yong sasakyan sa baba. ‘Wag na tayong maghintay ng ambulansya.”
“Ang sakit ng tiyan ko. Ano ba? Anong petsa ba kami madadala sa ospital-”
“Mas sasakit ‘yang tiyan mo kung dadaldal ka pa, Tanya. Kaunting tiis na lang.”
Maski ako ay kinakabahan na rin sa mga oras na ‘to. Kung hindi talaga dahil doon kay Melanie—nakaka tangina. Masyadong nasanay na sa lahat ng bagay, bago sila kumilos, e ikokonsulta muna sa akin.
E, paano pala kung nasa malayong lugar ako tapos may nangyaring gan’to? Kung na-traffic ako habang daan? Edi mas lumala pa ‘yang kondisyon nina Corrine kung sakali?
Leche.
“Oo nga. Ilagay mo ‘yang sirena at paingayin n’yo para paraanin kayo ng mga sasakyan. Ako na nga gumagawa ng paraan, ayaw n’yo pang sumunod. Mga tanga ba kayo?”
“Ipasok n’yo na. Bilis.”
“Ako na nga, Bernard! Mas mabilis pa pagong kaysa sa iyo, e.”
Inakyat ko na sa loob ng van ang mabigat na katawan ni Echo. Siya na lang kasi ang kulang bago umarangkada ‘yong van na feeling ambulansya.
“Susunod ako sa inyo.”
At nang makaalis na ‘yong sasakyan, as if I still have time to breathe some air. Wala si Rocco ngayon sa area, at hindi ko mahagilap kung nasaan siya. Kaya wala rin akong choice kung hindi ang ‘wag nang ipasalo sa kanya ang pagtingin doon kina Corrine sa ospital.
“Ma’am-”
“Not now, Dianne-”
“Ako po kasi ‘yong bumili ng mga pagkain nila. Tapos… ano po… contaminated foods po ‘yong ibinigay ko sa kanila-”
“Tanga ka ba?! Gusto mong patayin ang mga artista ko, Dianne?!” I was really pissed off after I heard her confession, but I managed to control myself not to explode.
“Kapag may nangyaring hindi maganda kina Corrine, tanggal ka na sa trabaho mo-”
“Ma’am, utos n’yo po ‘yon. Sinabi n’yo po sa akin na bantayan ko ‘yong restaurant na pagmamay-ari no’ng Imelda Soriano, ‘di po ba?”
“Anong connect? Choppy ka.”
“Pwede pong gamitin ang nangyari kina Miss Corrine laban sa taong ‘yon, ma’am. Sa pamamagitan po ng paglabas ng article or kaya ng presscon po once na maka-recover po sila, makakatulong po ‘yon para masira ang image ng restaurant niya sa mga tao. Hindi na ito pupuntahan ng mga tao dahil malalaman nilang may mga sikat na artista ang na-food poisoned sa pagkain ng foods mula roon.”
BINABASA MO ANG
Vengeance of the Battered
ChickLitKirsten Bargamento is a woman in an abusive marriage. Things are getting complex for her to withstand, escaping from her husband is her way to have freedom. She started her new life living as her twin sister, Gwen, who died many years ago.