C h a p t e r 7 0

11 1 0
                                    

Si Kuya Maze ang gumising sa akin nang umagang iyon.


"Come on, Maddy... wake up!" sabi pa nito.


Bakit ba nakapasok ito sa kwarto ko? Hindi ko ba nai-lock ang pinto ko kagabi?


"Kuya... maaga pa..." reklamo ko rito.


Late na akong nakatulog.


Bukod sa hating gabi na kami naghiwalay ni Gavin, hindi pa ako nakatulog kaagad.


"Bakit ba antok na antok ka?" hindi talaga natinag ang kapatid ko sa panggigising sa akin.


Naramdaman ko ang pag-angat ng gilid ng kama hudyat na tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama ko.


Hindi ko akalaing mag i -stay ako ng matagal kila Gavin kagabi. Paano ko naman din ipapaliwanag ngayon sa kapatid ko nang hindi siya gaanong mag-iisip ng kung anu-ano?


Naalala ko na naman ang mga eksena kagabi.


"I really love your scent. It makes me feel calm."


He planted a kiss on my shoulder!


Sigurado ako.


Sh*t! Napabalikwas ako sa naalala ko.


"Maddy, ano'ng oras ba ang pasok mo sa school today?" bumalik na naman si Kuya Maze sa kwarto at nadatnan niya akong sapu-sapo ang ulo ko.


"Bakit? Masakit ba ulo mo?" tanong nito.


Umiling iling ako.


"Get up, Princess." sabi naman ni Kuya Malt na nasa loob na rin ng kwarto ko.


Ano ba'ng problema ng mga ito?


"Opo..." mahina kong sagot at nagsimulang kumilos.


Nagsilabas na ang dalawang makukulit kong kapatid.


Wala akong ideya kung bakit sila atat na atat na gisingin ako.


Nagtungo muna ako sa toilet para magtoothbrush at maghilamos.

Dumiretso na ako sa sala kung saan naghihintay sa akin ang isang malaking box. Nanlaki ang mga mata ko.


"Is it..."


Looking at my brothers sitting pretty on my couch in crossed legs, I have a feeling that the box contains everything I love.


"Is it -"


"Yes, my dear." nodding and finishing what I am trying to say.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon