C h a p t e r 1 0 8

8 1 0
                                    

I changed my clothes after my training. Nakakahiya naman na nakaslacks ako at blouse na pang office attire sa dinner ng family. Baka sabihin pa sobrang dedicated ko sa training. I wore a maroon floral lace dress for tonight. Wala na akong ibang maisip na suotin.


Paglabas ko ay naka-ready na rin sila Kuya Malt at Kuya Maze. Sinenyasan pa ako ni Kuya Maze na pumasok na sa conference room ng restaurant.


Napakalawak naman ng pinili nilang dining area para sa aming lima. Pagpasok namin ay nakaupo na si Daddy at si Mommy. Mabilis ko silang dinaluhan at niyakap dahil sobrang tagal bago ko sila nakitang muli.


"How are you, my dear?" malambing na pangangamusta ng aking ina sa akin habang yakap yakap ako.


"Ayos lang po ako, Mom." masayang tugon ko sa kanya habang ginagantihan rin siya ng mahigpit na yakap.


Pagkatapos ng kamustahan sa aking mga magulang ay naupo na ako sa tabi ni Kuya Maze. Takang taka talaga ako sa lawak ng table na pinili ng mga ito. Marami namang space sa labas. Gusto talaga nila, private dinner?


"Ano'ng mayro'n?" tanong ko kay Kuya Maze.


"Actually, I have no idea, Princess." bulong nito. "Alam mo naman, hindi na ako nakikialam sa mga desisyon ni Dad."


Busy mag-usap si Daddy at si Kuya Malt. Hindi pa rin nag-uumpisang magpasok ng pagkain ang mga waiter. Hinahanda pa lang ang mga lagayan sa buffet table. Napakasosyal naman ng family dinner na ito, naka-buffet pa kami.


Lumipas pa ang ilang minuto ay hindi pa rin kami nagsisimula sa pagkain na tila may hinihintay pang dumating. Nakumpirma ko lang ito nang magbukas ang pinto at sumenyas ang waiter na tila may pinapapasok sa loob ng silid. Iniluwa ng pinto si Kuya Travis at Tristan.


"I thought it was a family dinner?" bulong ko kay Kuya Maze.



"I really have no idea, Princess." umiiling na sambit nito na tila nagulat rin sa nangyari. Halatang wala nga rin itong kaide-ideya sa mga nangyayari.


"Sorry we're late." paghinging paumanhin ni Kuya Travis kila Daddy.


"It's okay, Vis." nakangiting pagtanggap ni Dad sa apology ni Kuya Travis.


Nakipagkamay ito at bumeso pa kay Mommy. Gano'n rin si Tristan.


"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya paglapit niya sa amin ni Kuya Maze.


Kibit balikat lang na naman ang itinugon nito at saka itinuro ang kapatid. Nakipagkamay ito kay Kuya Maze saka umupo sa tapat ko.


"I hope next time, makasama na sila Ted." Dad said.


"Probably, pagbalik po nila Daddy from Spain, Sir. We will be inviting you for another set of dinner." sagot naman ni Kuya Travis dito.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon