C h a p t e r 4 9

47 4 0
                                    

Hindi ko na namalayan kung anong oras ba kami nagsi-pagtulog.

Sa sobrang dami nilang kwento ay sobrang tagal rin nilang naubos ang iniinom nilang vodka kaya umabot na ng madaling araw. Parang hindi sila nauubusan ng kwento.

Past 8am na ako nagising.

Wala na si Shane sa tabi ko. Magkasama kaming dalawa sa tent. Si Macy at Trixie naman ang magkasama sa kabila.

Gising na sila?

Grabe! Medyo maingay na nga sa labas. Tinatamad pa akong bumangon!

OMG!

May ilang anino akong naaaninag sa labas ng tent.

"Maddy? Gising na!" sigaw ni Trixie habang binubuksan nito ang zipper ng tent.

"Oh, gising ka na pala e. Come on! Breakfast na!" anyaya ni Shane sa akin.

"Sige. Sunod ako." nag-inat-inat pa ako at nag ayos lang ng sarili. Nagsuklay ng buhok na nagulo mula sa pagtulog saka lumabas. Hinablot ko na rin ang isang face towel para makapaghilamos muna bago humarap sa lahat.

Naupo ako sa cottage. Abalang abala masyado ang mga ito. May nag -iihaw, may nagtitimpla ng juice. May naglalagay ng plato sa lamesa ng cottage. Ako, heto, nakatunganga at pinagmamasdan sila. Sipag ko 'di 'ba?

Tumatama ang sinag ng araw sa aking mukha, pero hinayaan ko lang ito at hindi na naghanap pa ng malilim na lugar. Tutal, mangingitim rin talaga kaming lahat dahil for sure, bilad sa pagsu-swimming!

Masayang nagkukwentuhan habang kumakain ang lahat.

Tawanan ng tawanan.

Pinag uusapan rin ang gagawin pagkapos kumain.

"Ang haba kaya nito oh!" winagayway pa ni Arkin ang printed itinerary namin sa ilang araw na nandito kami.

"Ano ba'ng una sa listahan ngayong araw?" tanong ni Evan.

"Nakalimutan mo na?" tanong ni Reed. "Island hopping, bruv!" sabi nito.

Umaga raw ang magandang oras para sa island hopping habang mababa pa ang tubig para makita namin ang island sa gitna ng dagat.

"Exciting!" sabay na tili ni Macy at Trixie.

"I-prepare na lang natin ang mga dadalhin para doon na tayo maglunch." sabi ni Tristan.

Nag-thumbs up naman sila.

Hindi pa kami natatapos kumain ay pagkain na naman ang pinag-uusapan.

"Pagbalik natin from island hopping, ATV naman tayo." segunda ni Evan dito.

Masaya mag ATV! Madalas kami mag stroll ng mga pinsan ko sa bahay kapag summer. Umiikot lang kami sa paligid ng mansion, kaya for sure mag e-enjoy rin kami ngayon kasi hindi limitado ang oras ng paggamit namin. Naka-reserve ang ilang ATVs para sa amin nang dalawang araw.

Pagkatapos kumain ay nagsipaghanda na kami. Nagpalit ng mga swimwear ang mga kaibigan ko at talaga namang mga sexy ang kasuotan.

Kabog kung kabog, ika nga nila.

Naka two-piece pa nga si Trixie na floral. Nagcompliment naman din ang suot nitong tila net na off white ang color para hindi naman masyadong expose ang balat nito. Naka one-piece na color Black si Macy.

Kami ni Shane ay parehong naka-rash guard. Dark blue ang sa kanya, Black naman ang sa akin na may lining na red.

Hindi ako komportable magsuot ng bikini ngayon dahil panay boys ang kasama namin. I know that they are all gentlemen.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon