C h a p t e r 1 0 7

14 2 0
                                    

Ang aga aga nang-iistorbo ang Kuya ko. Nagising ako sa tawag niya.


"We have dinner tonight. Dad wants to remind you."


"I know Kuya! Naalala ko." naasar ako sa sobrang aga niyang pang-iistorbo.


Mas nakakaasar pa sa kanya ay tumatawa ito. Buo na naman ang araw niya dahil na-badtrip niya ako.


"See you, princess." sabi pa nito bago ako nito inend call.


Hindi na ako bumalik sa pagtulog at bumangon para mag-asikaso. Mukhang maaga pa naman pumapasok ang assistant ni Kuya Malt. Pang-limang araw ko na ngayon sa training at ngayong araw ang turnover sa assistant ni Kuya Malt. Doon na ako magrereport simula next week.


Gumawa na lang ako ng breakfast namin ni Gavin na pwede naming kainin habang nasa byahe papuntang Meadows. I made kimbap and roasted coffee for him that I put in a thermal cup.


Halatang inaantok pa ito pero pursigido ito sa paghatid sa akin.


"Good morning!" he greeted me while yawning.


"Good morning!" natatawang bati ko rito. Pinagbuksan ako nito ng pinto at saka siya umikot sa driver seat.



"You're still sleepy, Gavin... ayos lang naman kung hindi mo ako mahahatid." sambit ko. I'm a bit concerned. Lagi pa naman itong puyat.


"It's okay. I can catch up on my sleep when I get back after taking you to your training." he smiled and started the engine. "What's that?" pansin nito sa bento box na dala ko at sa thermal cup na inilapag ko sa cup holder.


"I made a kimbap for us." kumuha ako ng isa at itinapat sa kanya.


Nagtataka ito na nagpalipat lipat ang tingin sa kalsada, sa akin at sa kimbap na isinusubo ko sa kanya.


"Hindi ka makakakain habang nagda-drive..." sabi ko rito.


Natawa ito pero bandang huli ay tinanggap rin naman ang kimbap.


"It's good. You made this?"


Tumango ako at sumubo rin ng isa. Inilapit ko pa rito ang isa pang kimbap at ngayon ay hindi na ito nag-alinlangan pang isubo. Tila sarap na sarap naman ito sa kinakain niya dahil paulit ulit ito sa pagsasabi ng 'it is good'. Natatawa na lang ako sa sobrang pag compliment nito sa ginawa ko.


Sunud-sunod ko itong sinubuan ng kimbap at tanggap naman ito ng tanggap hanggang sa makahalata na siya sa ginagawa ko.


"My mouth is still full, Madison Kaylee." he managed to speak even though his mouth was so full. I laughed.


Nasa gitna kami ng kulitan ng may biglang magring sa car stereo. Connected ang phone niya sa kotse kaya nakikita ko kung sino ang tumatawag. It is an unknown caller. Number lang ang nakaregister.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon