C h a p t e r 9 5

18 1 0
                                    

Nasa bahay si Sean pagdating ko.


"Akala ko mamaya ka pa uuwi e." bungad ni Sean. "Oh, Maddy. Bakit nandito ka?" tanong pa nito kay Madison na akay akay ko pa rin. Napatingin ito sa mga kamay namin, saka ko lang na-realize na hawak k k pa rin ang kamay ni Madison.


Pumalakpak pa itong si Sean, pero wala lang kay Madison. Nakakapagtaka! Usually, naiilang na ito kapag ganiyan ang reaksyon ng mga kaibigan namin.


"Para sa'yo." sabi nito kay Sean.


"Salamat, Madison. Nag-abala ka pa." sabi nito kay Madison nang iabot nito ang pagkaing dala namin mula sa restaurant.


"Saan ang punta mo?" tanong ni Madison sa pinsan ko na abala na sa pag-usisa sa laman ng paper bag. Naupo si Madison sa dulo ng couch kung saan din ito nakaupo.


"Uuwi sa amin." maikling tugon nito. "Akin na pala ang susi ng kwarto mo, Gav." baling nito sa akin.


Mabilis ko namang hinungot sa bulsa ko ang susi at ibinato rito.


"Saan nga ulit nakalagay?"


"Sa drawer ng table ko." sagot ko rito. Tumangu-tango naman ito. "Magbibihis lang ako." sabi ko kay Madison at nagtungo sa kwarto.


Nagtext ako kay Mommy na dadaan si Sean para hindi na ito magulat na hindi ako kasama. Sabagay, maiintindihan naman nito dahil may pasok pa.


"Ano'ng mayroon bakit magkasama kayo?" dahil nakabukas ang pinto ng kwarto ay naririnig ko ang pinag-uusapan ng mga ito.


"Kumain kami sa Meadows, sabi ko kasi kay Gavin ayaw ko pang umuwi kaso bawal naman akong lumayo..."


"Ah. Oo nga pala, grounded ka pa. Tama 'yan, dito ka na lang muna. Wala rin naman kasama si Gav," sagot ng pinsan ko. Kaya ko naman mag-isa, sabi ko sa sarili ko.


"Bakit ka ba uuwi? I mean, ano'ng gagawin mo doon?"


Natawa ako sa pagkakatanong nito kay Sean.


"Pinapatawag daw ako ng tatay ko. Hindi ko naman alam kung bakit. Hindi naman nila sasabihin hangga't hindi ako uuwi so, kailangan ko talagang umalis."


Hindi na sumagot dito si Madison. Pagbalik ko sa sala ay naupo rin ako sa couch sa pagitan nila.


"So, what are we going to do?" tanong ko kay Madison pero nagkibit balikat ito.


Kailangan kong makaisip ng plano kung ano ba ang pagkakaabalahan naming dalawa. Para naman hindi masayang ang oras namin.


"Bro, alis na ako." paalam ni Sean na nakipagfist bump pa muna sa aming dalawa ni Madison. "Behave kayo ah!" sabi pa nito bago tuluyang lumabas.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon