C h a p t e r 1 0 4

8 1 0
                                    

"What's wrong?" Kuya Maze asked me while we were heading to the hotel. I'm in silence. Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa buong maghapon na busy sa school at late na pag-uwi dahil nag-unwind pagkatapos ng defense.


"Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa maghapong ginawa sa school, Kuya." usal ko.


"Akala ko, malungkot ka kasi hindi kayo sabay ni Gavin uuwi." natatawang biro ng kapatid ko. Sinamaan ko ito ng tingin. Wala na akong lakas para makipag-asaran pa rito.


"Nakalimutan kong sabihin na sana pinasama mo na lang siya." pagkarinig ko sa sinabi nito ay napalingon ako sa kaniya. Tumawa ito nang malakas.


"Kuya, ano'ng trip mo?" naiinis na sabi ko. Hinampas ko pa ito sa balikat.


"I'm just kidding. Gusto lang kitang patawanin, naaasar ka naman kaagad." natatawa pa rin ito sa kalokohan niya. "Ano na ba talagang status ninyong dalawa?" pagkuway tanong nito.


"Ano ba namang klaseng tanong 'yan, Kuya?"


"Oh, bakit? Gusto ko lang naman malaman. Baka naglilihim ka na sa akin..."


"Kuya, we're friends...okay?"


"Sure bang friends lang?"


"Kuya, alam mo namang hindi pwede hindi ba?"


Ngumisi ito. "Nagsisisi ka na ba sa desisyon mo?"


Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Masyado na ba akong pagod para mag-isip at mag-analyze ng mga sinasabi nito.


Sumulyap ito sa akin at saka napabuntong hininga. Doon ko lang din na-realize ang gusto nitong ipahiwatig sa sinabi niya. Hindi ako sumagot.


"Matagal ko nang sinasabi sa'yo na bawiin mo na kay Dad 'yong sinabi mo."


"Kuya, as if naman papayag siya? As if naman titigilan ako ni Daddy..." malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Para akong kakapusin ng hangin sa mga pinag-uusapan namin ngayon. Nahihirapan akong huminga.


Bakit nga ba kasi ako sumang-ayon kay Daddy noong time na 'yon?


"Talk to him. Mas maganda na gumawa ka ng paraan kaysa hahayaan mo na lang. He might consider your explanation."


Alam kong hindi papayag si Daddy.

Bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon ko?

Pagkarating namin sa hotel ay nag-aabang na si Kuya Malt sa may lobby.


"Bakit ang tagal niyo?" tanong nito kay Kuya Maze.


"Ma-traffic." pagdadahilan ni Kuya Maze rito, para hindi na rin humaba ang usapan.


Pumasok kami sa restaurant, mukhang may dinner. Kaming tatlo? OMG.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon