C h a p t e r 8 3

10 1 0
                                    

"Ganyan na ba talaga kapag in love?" naiiling na sabi ni Sean.


Nakabantay ito sa pintuan habang kausap ko si Madison. Tsismoso talaga kahit na kailan. Buti na lang at hindi na narinig pa ni Madison ang sinabi nito dahil na-end ko na.


"Ano na? Aalis pa ba?" tanong nito. Sumulyap pa ito sa wall clock saka tumingin sa akin pabalik. Ang aga pa naman kasi kaya hindi ako kumikilos.


"Gusto mo ba'ng mauna na?" tanong ko rito.


"Sira ka ba? Sino ba ang kaibigan nila Tristan? Ako ba?"


"You're one of our friends so, I think it's okay."


"Sige..." sabi nito. "Mamaya na lang tayo umalis baka tumawag pa si Madison..." sabi nito. "Ikaw, Gavin Grey Lopez Salazar-"


"Stop calling me that, Sea!" sigaw ko rito. Itinaas nito ang kamay bago muling nagsalita.


"Gavin, guard your heart. Masyado ka na namang nahu-hook sa isang babae." sabi nito. "Mamaya, kagaya lang ;yan ng past relationship mo, nako-"


"Shut up, Sea! She's different."


I'm really really sure.


"Whatever! Basta, binalaan kita. Hindi ko naman sinasabi na masamang babae si Madison or what. Mabait siya and nakikita ko naman na concern siya sa'yo. Parang gusto ka nga rin e. But, please... be careful this time."


Bago pa ko makasagot ay nilayasan na ko nito.


I know Madison is different. I just want her to feel that I am always here for her.


Past 3 o'clock nang umalis kami. Nangungulit na kasi sila Reed, kaya umalis na rin kami.

Simula kaninang huling tawag ko kay Madison ay wala pa itong text or tawag. Hindi ko maintindihan kung bakit. Pero baka busy na ito sa pakikipagmingle sa mga relatives niya since sabi niya ay birthday ang ipinunta nila roon.


Hinayaan ko na lang muna.


"Gav, shot mo bro..." sabi ni Evan.


Hindi ako mapakali.


It's been 5 hours since our last talk.


"Uy, Gav... ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong ni Tristan nang ibinato ko sa couch ang cellphone ko.


"Baka hindi pa nagrereply si Maddy." natatawang sabi ni Sean.


Binato ko ito ng throw pillow na tumama sa kanyang binti. Lalo lang itong natawa.


"Bakit? Nasaan ba si President?" tanong ni Evan.


Hindi ako sumasagot. Mang-aasar lang ang mga ito.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon