C h a p t e r 2 1

76 16 11
                                    

MADISON'S POV

"Kumusta naman kayo ni Gavin kanina sa car niya?" tanong ni Trixie na kinikilig pa!

Nasa rest room kaming apat sa The Lab.

"Okay naman kami." tipid kong sagot.

"Okay lang kami? 'Yon lang ang masasagot mo sa amin? Grabe, Madison! Magkwento ka naman ng update sa lovelife mo!" palatak nitong kaibigan ko.

Nakita lang na isinabay ako ni Gavin, parang may something na kaagad sa amin ang dating.

As if naman na may something going on between us that will lead into something romantic.

"Anong lovelife? Wala nga akong lovelife, hindi ba?" walang muwang na sagot ko rito.

I don't want them to romanticize what Gavin and I have right now.

"Eh ano yung pagsabay mo kanina sa kotse ni Gavin?" pangungulit nito.

Buti na lang nga at hindi nakikisali ang dalawa pa.

"Hindi ko rin alam na pasasakayin niya ako sa kotse niya, okay? Nagulat rin ako sa actions niya."

To be honest, I don't know what's got into him earlier.

"Bigla niya lang hinarang 'yong pinto ng kotse niya sa dadaanan ko. Akala ko nga nang-aasar lang e." paliwanag ko pa dito.

Bakit ba ako nag-eexplain?

We're not that close. We are not close to being friends. We are just mere partners in a school project. That's all.

"Lalampasan ko sana siya at sasakay sa sinakyan ninyo kaso bigla naman kayong nagsi-alisan."

You sounded so defensive, Madison. Shit.

Well, totoo naman lahat ng sinabi ko. Sa kanila talaga ako dapat sasabay. Kung alam lang nila.

"Kayo talaga. Hayaan niyo na si Maddy. Hindi pa nga fully healed ang puso e, love life agad?" saway ni Shane kay Trixie. "Nandito tayo para mag-unwind. Saka Trixie, nakikita mo naman si Gavin kung paano ang treatment noong una kay Maddy, hindi ba? Sa tingin mo ba, may gusto 'yong ganoon sa kaniya?"

Thank God I got Shane on my back.

She has a point. Sa pakikitungo pa lang ni Gavin sa akin, malalaman mo na hindi naman siya interesado sa akin o sa kahit na sinong babae.

Hindi ako umimik. Hindi ko na kinontra si Trixie at hindi ko na rin dinugtungan ang mga sinabi ni Shane.

I don't want to remember the reason of my broken heart. Not now that I am unwinding.

Pero dahil si Trixie ay pinaglihi sa pinakamakulit na nilalang sa mundo, ay hindi pa rin talaga ito natigil.

"Nando'n na nga tayo sa hindi pa magaling ang pusong sugatan ni Madison. Pero dapat, maghanap na siya ng bago para makaget-over na kaagad sa walang kwentang Grant na 'yan." at pinipilit pa talaga niya.

"Hoy, ateng! Ano 'yon!? Rebound? Grabe ka sissy! Mali 'yon ah! Very wrong." kontra ni Macy sa kaniya.

"Alam niyo guys, hindi ko naman kailangan maghanap. I am not ready to enter into a new relationship right now." I said. "Masaya na ako ngayon na single ako. I don't need someone right now to help me forget that jerk!"

Honestly, I am much better now. Much more better now.

I can sleep well at night, I can focus on my studies, hindi na ako paranoid that he will cheat on me again and again. Malaya na ako sa pag-iisip kung paano i-maintain 'yong relasyon naming patapon na pala.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon