C h a p t e r 1 1 3

7 1 0
                                    

I woke up because of a call from Shane. Nakalimutan ko palang i-silent ang phone ko. Dahil ka-chat ko kagabi si Gavin hanggang sa makatulog na ako. Tinitigan ko pa ang wall clock, tanghali na.


"Yes, Shaney?" pupungas pungas kong tanong. Bumalik ako sa pagkakapikit. Gusto ko pang matulog. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi pero mukhang late na.


"Maddy, nakita mo na ba ang news?" tila nagmamadali at natataranta ito.


"Hindi pa, bakit?" tinatamad na sagot ko.


I'm not interested much in the news, especially now that I am too stressed with my personal matters.


"Your Dad is in the news!" pero nang marinig ko ang sinabi nito, napabalikwas ako ng bangon at dali daling lumabas sa sala para buksan ang TV.


Nanlaki ang mata ko sa on going na interview ni Dad. "When will be the engagement, Mr. Russell?" tanong ng news reporter sa tatay ko.


"The engagement is scheduled most likely before this year ends." masiglang usal ng Daddy sa reporter.


"Oh no!" napailing na lang ako sa narinig.


"Congratulations, Mr. Russell on the merging of business and family with the Z Realties." masayang pagbati ng reporter sa aking ama. "Finally, the youngest daughter of Russell International Corporation and the youngest son of Z Realties will tie a knot! Congratulations!"


Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa napanood ko. This is what I am afraid of and it actually happened.


"Madison, are you still there?" tanong ni Shane sa linya.


"Shaney, I have an incoming call. I will call you back." hindi ko na hinintay itong sumagot, binaba ko na lang kaagad ang tawag.


Kuya Maze is calling.


"Kuya..."


"Maddy, where are you?"


"Kuya, have you watched the news?" tanong ko rito habang umiiyak. "Dad is in the news." hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapakalma ang sarili ko.


"Maddy, just relax. I'll fly back to Manila. ASAP! Calm down."


"Kuya, what will I do?" nag-aalala ako. "What if he watched the news right now?"


Right at this moment, I'm not thinking of myself. Wala naman sa akin kung malaman ng lahat. Ayaw ko lang malaman ng isang taong mahalaga sa akin dahil alam kong masasaktan ko siya ng husto.


"Wait! I'm lost. Who are you referring to?" medyo naguluhan pa si Kuya sa tinutukoy ko dahil hindi ko masabi ang pangalan nito. Pero hindi ko masabi ang pangalan niya. I don't want them to know but I don't know who I am going to share this with.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon