C h a p t e r 1 6

72 24 20
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas mula ng mag-usap kami ni Gavin.

I thought, pagkatapos ng pag-uusap namin may mangyayari pa ring hindi okay sa aming dalawa e. Pero, so far, we're good.

Simula ng mag-usap kami, madalas kaming mag-meet during vacant or before ng first subject namin.

Madalas na set up namin ay magkita sa morning at saka magstay hanggang mga 6 or 7 o'clock sa school after ng class. Kapag Thursday and Friday ay maaga akong umaalis sa office para makapag meet pa kami ng 4 o'clock sa school.

Like the rest of us, he's also smart. Mahilig lang talaga itong matulog sa klase pero kapag tinawag ito nakakasagot ito. Matataas rin ang mga nakukuha nito sa exam kahit sobrang bilis niyang matapos at nakayukyok kaagad sa desk after 30 minutes.

"Anong score mo sa test?" tanong ni Arkin dito. Feeling confident pa. Mataas kasi ang nakuha nitong score. Naka 89% ito out of 100.

Inabot ni Gavin ang papel nito sa kaibigan.

"Unbelievable!" sabi nito na napasampal pa sa noo niya.

Natawa ang mga kaibigan namin.

"Bakit? Ilan ba si Gavin?" tanong ni Reed na lumapit rin sa gawi namin.

"Woah!" gulat na gulat ito. "98%, wala ka pala Ark e!" pinagpag nito ang test paper ni Gavin.

"Pinakopya mo ba itong si Gavin, Miss President?" paiyak ng sabi ni Arkin. Sa aming lahat, siya lang pala ang naka-line of 8 na grade sa test!

"Uy! Hindi ah!" mabilis kong awat dito.

Paano ko papakopyahin? E sa tuwing lilingon ako sa kaniya, nakayuko na siya sa desk.

Napatingin naman ako kay Gavin na hindi mo malaman kung natatawa sa kaibigan.

Hindi full smile ang ngiti nito. Hindi masaya ang mga mata niya.

"Wala ka! Daig ka ni Gavin." pangbubuska ni Evan kay Arkin.

Dahil mukha lang na tahimik si Gavin, minsan nag-a-argue rin kami sa project namin. Ang dami niya kasing gusto na i-input, minsan hindi na pwede. Tapos gusto niya, baguhin 'yong ibang parts, kaso hindi naman realistic. Kapag hindi mo siya sinunod, hindi na lang ito iimik. Medyo grumpy rin kasi talaga siya at times pero good thing na tolerable naman.

Medyo nakuha ko na ang ugali niya kahit papaano kaya alam ko na kung paano siya mainis. Alam ko na ang nakakapag-init ng ulo nito.

Kaya lang, kahit nakakabisado ko na siya, may mga times na nagkakainisan pa rin kaming dalawa. Gaya kahapon, hindi na naman kami nag iimikan, dahil lang doon sa gusto na naman niyang mangyari sa project namin. Hindi ko alam kung pangit lang ang gising niya or kulang pa rin siya sa tulog e. Imposible naman kasi talaga 'yong gusto niya.

Gusto niya kasing magpalit ng location of business. Hindi naman kasi madaling magpalit, lalo na at nakagawa na kami ng floor layout. Ang dami na ring na-consider sa location na maaaring mabago 'yong ibang chapters ng study.

So ayon, natapos kami noong hapon na hindi kami nag-iimikan.

"Anong pinagtatalunan niyong dalawa?" tanong ni Shane habang naglalakad na kami papuntang parking.

"Sa location ng business, gusto niya pa kasing palitan. Nakakaloka!" imbyerna kong sagot.

"Kalma ka lang! Bukas, magiging okay rin 'yan. Sasang-ayon na siya sa'yo." sabi nito.

"Magdilang anghel ka, Shaney! Kailangan ko 'yan!"

Natawa ito.

Kinabukasan ay walang klase. Pero nagbakasakali akong pumunta sa school kasama nila Trixie. Hindi kami nag-usap ni Gavin kahapon tungkol sa meeting namin, pero nasa schedule kasi namin na magmi-meet kami. Mayroon kaming google calendar kung saan naka-plot ang date at day kung kailan ang meetings namin.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon