C h a p t e r 7 1

9 2 0
                                    

"Ano bang nangyari sa'yo, Mads?" tanong ni Macy.


"Sent na," sabi ni Trixie.


"H-ha? Ah, nakatulog kasi ako ulit kanina, sorry." sabi ko sa mga ito.


"Napuyat ba kayo ni Gavin kagabi?" nakakaintrigang tanong ni Trixie.


"Sira! Ano ba? Issue ka!" saway ko rito.


"E tignan mo naman kasi itong picture na 'to, hmmmm..." hinarap nito sa akin ang celphone niya at nanlaki talaga ng husto ang mga mata ko!


It was me with Gavin on his terrace!


Para itong nakayakap sa akin dahil ito 'yong time na tinuturuan niya ako maggitara!


Hindi ko alam kung gaano kapula ang pisngi ko pero sobra talaga ang pag-init ng mukha ko. Napapaypay na lang ako sa aking sarili gamit ang mga kamay ko.


"So tell us, what's the real score now between you and Gav?" tanong ni Macy na sobrang kinikilig.


"Grabe, Maddy... sobrang kinikilig ako sa inyong dalawa!" sabi ni Trixie.


"Wala. There's nothing going on between us, really." sabi ko sa mga ito.


"Iba'ng level na ito, Madison Kaylee!" tili ni Macy.


"Wala ba siyang sinasabi tungkol sa feelings niya towards you?" tanong ni Shane.


Umiling iling ako.


"Hindi naman kami madalas mag-usap, guys. Kagabi, nagkataon lang na nasa terrace rin pala siya at naggigitara. Naisip ko kasi baka hindi na naman siya makatulog kaya naisipan ko'ng i-share sa kaniya 'yong tea na ginawa ko..." mahabang paliwanag ko sa mga ito.


"Ahhh! 'Yon pala..." sabi ni Macy na parang hindi naman totoong naniniwala sa sinabi ko.


"But how about your feelings towards him?" tanong na naman ni Shane.


OMG!


"Shaney, I told you. Wala." sabi ko rito.


"Madison Kaylee, wala namang masama sa pagbubukas ulit ng puso mo..." sabi ni Trixie. "Besides, Gavin's a good guy."

"Sobrang gentleman, grabe!" sabi ni Macy.


"Remember Reed's party?" tanong ni Trixie. We all nodded. "He carried you on his back. Naalala ko pa nga na tinanong pa niya ako if it's okay to go inside a girls room. But I said that it's okay. Then, I saw how he looked at you at the very moment, Maddy. Hindi ko ma-explain, pero sobrang passionate. Sobrang nag-aalala siya." sabi pa nito.


"Guys, kumalma lang kayo." sabi ko sa mga ito. "We are not in a relationship, okay? Sweet naman talaga si Gavin. Wala namang duda doon, but he doesn't say anything to me regarding that so..."

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon