C h a p t e r 3 4

51 7 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Gavin.

Bakit nito iinumin 'yong beer na ibinigay sa akin kung magiging rason pala 'yon para magka-migraine siya?

Ang weird lang talaga.

"What happened to you?" sabi ni Kuya Maze pagkarating ko ng condo.

"Kuya, I have a question..." sabi ko rito. Umupo ako sa single couch na sobrang naguguluhan pa rin.

"Will you take something and drink it even though it will be a possible reason for you to become sick instead of letting the person take that and let them face their own consequences?"

"Hmm... why?"

'Yong nagtatanong ka, pero tinanong ka rin?
Galing talaga ng kapatid ko.

"Basta!" sagot ko rito. "I just want to know your opinion." sabi ko rito.

"Depende naman kasi, maybe that person is concerned and he/she doesn't want the person to face some consequences. Pero depende talaga." sabi nito. "Ano ba kasi 'yon? Bakit hindi mo na lang sabihin ng diretso kasi." reklamo nito.

"Wala nga po. I just want an opinion." sagot ko rito. "Pero kapag ikaw, gagawin mo rin ba?"

"Yes, of course," he said. "lalo na kung alam kong mas mabigat 'yong consequences na matatanggap noong tao kaysa sa pagkakasakit ko."

Napaisip ako sa sagot ng kapatid ko.

Siguro naisip rin ni Gavin na baka ma-grounded na naman ako kapag uminom ako.

Kaya lang, the thought of him having a migraine makes me concerned about him too.

Iniwan ko na si Kuya sa sala at dumiretso na sa kwarto ko.

I wanted to make sure that he is okay.

One glasses full of beer ang ininom nito on my behalf.

"Tatawagan ko ba siya?" tanong ko sa sarili ko.

Nagbasa ako ng mga messages ng mga kaibigan ko. Nakauwi na raw sila. Wala namang update sa group chat namin tungkol sa limang boys kung nasaan na ang mga ito.

Mukhang okay naman si Gavin kanina after niyang inumin 'yong isang baso ng beer. Pero syempre, hindi naman ito eepekto kaagad. Marami rami rin silang nainom na alcoholic drinks.

It's eleven o'clock already.

Dahil hindi na ako grounded, hindi naman ako napagalitan kahit medyo late na ako nakauwi.

Nagpasya akong tawagan ito. I hope he's still awake.

Sumagot ito sa pangalawang ring.

"Hello." malumanay kong sabi.

Pero walang sumasagot.

"Gavin?"

Wala pa ring sumasagot.

"Gavin, are you okay?" tanong ko rito.

"Madison Kaylee..." his husky voice gives shivers to me. Mas nag-alala rin ako dahil hindi naman ito ganito.

Shit. Parang hindi na naman ito okay.

"Hello, Miss President." sabi ng nasa kabilang linya. Parang boses ni Reed.

"Reed?" tanong ko rito para makumpirma.

"Oo, Miss." sabi nito. "Natutulog na si Gav, nagising lang dahil nag-vibrate ang phone niya na nasa bulsa."

"Oh. I see. Nag-alala kasi ako, baka magka-migraine siya dahil sa beer kanina." sabi ko rito. "Buti magkakasama pa kayo."

"Mukhang okay naman siya, Miss. Hindi naman gaanong marami ang nainom niyang beer. Ewan ko lang 'yong whiskey na iniinom niya kanina, hindi na namin nabantayan." sabi nito. "Nandito kami kila Tristan, baka hindi na ito makauwi."

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon