C h a p t e r 5 5

11 1 0
                                    

It started raining.


Talaga nga naman, kapag walang pakisama ang panahon.

May bagyo ba?


Bakit kailangang umulan?

Bakit ngayon pa?


May shed ang mezzanine pero biglang buhos ang malakas na ulan, medyo umaanggi ang ulan sa kinaroroonan naming dalawa.


Umaagos rin sa wall na kinasasandalan ni Gavin kaya nag-uumpisa nang maglawa ang sahig.


"Gavin, let's go back inside." '


Hawak ko pa rin ang kamay nito.


Nakasandal siya sa wall at nakapikit lang. Parang ninanamnam pa nito ang pagkabasa sa ulan.


Ni hindi ito tumitinag.


Dinampot ko ang telepono nito na nagri-ring.


"Hello, Tristan?" sinagot ko na ang tawag nito.


Napapitlag si Gavin sa pagsasalita ko. Marahil ay pagkarinig niya sa pangalan ng kaibigan.


"Nahanap mo na ba siya?"



"Oo." maikling sagot ko rito.



Pinagmasdan ko si Gavin kung anong magiging reaksyon nito.


Humigpit ang pagkakahawak nito sa isang kamay ko.



"I will call you later, Tristan. He's with me na, he's safe."



"Thank God! Nasaan kayo?"



"I will call again, Tristan." hindi ko sinagot ang tanong nito. Hindi ko alam kung anong gusto ni Gavin. Tatanungin ko muna siya.


I hung up.


"Gavin, let's get inside. Baka magkasakit ka pa niyan." sabi ko rito.


He is soaking. Mas nababasa siya kaysa sa akin.



Pinunasan ko ang buong mukha nito gamit ang panyong dala ko.



"Gavin, basang basa ka na. Pumasok na tayo sa loob, please?" pagmamakaawa ko rito.


Nagmulat ito ng mga mata.


"Gavin, please?"


Kumilos na ito.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon