C h a p t e r 3 0

72 9 8
                                    

7:00 o'clock in the morning.

Nauna pa ako sa alarm ko. Napabalikwas ako sa kama dahil naalala kong nandito sa bahay si Gavin!

Dali dali akong nagtungo sa CR, naghilamos at nagtoothbrush na rin bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Ang bango ng amoy paglabas ng kwarto. May nagluluto.

Sumilip ako at nandoon na nga si Kuya Maze, naghahanda ng breakfast.

"G-good morning, Kuya." bati ko rito.

Tiningnan lang ako nito. Baka galit pa ito.

"Madison Kaylee." tawag nito sa pangalan ko. "Uulitin ko lang ang mga sinabi ko kanina, baka hindi malinaw," sabi nito.

Napayuko na lang ako.

"You are grounded for a week. You have to follow my orders or I will ground you for a month." he's serious.

"Opo, Kuya. Sorry ulit and thank you."

Napatingin ito sa akin na nakakunot ang noo. "You're thanking me because you're grounded?" he scoffed.

"No, thank you kasi you're also concern with my friend."

"Madison Kaylee, I am concerned the most to you, I don't want you going out and going home so late. You are not raised like that."

"Sorry na, Kuya." sabi ko dito. Lumapit ako rito at humawak sa braso nito. Inu-uguy-ugoy ko pa ang braso nito. "Kuya, huwag ka na magalit, please? Hindi ko na po uulitin."

"The next time you'll do it, I will tell it to Malt so that he'll be the one scolding you." sabi nito. "Have you checked your friend?" tanong nito.

Umiling ako.

"Is he your new-"

"Kuya!" saway ko rito. Alam ko na kung anong gusto nitong sabihin.

"Okay." natatawang sabi nito.

Sa wakas, tumawa na ito.

"After lunch, we will go to Tagaytay." sabi nito.

Uuwi pa rin pala kami.

Iniwan ko muna ito at pinuntahan si Gavin.

Hindi nakasarado ang pintuan ng guest room, bahagya lang itong nakapinid.

Tulog pa ito, tila mahimbing ang tulog.

Hindi nito ginamit ang kumot na nilagay ko sa kama pero nakasuot ito ng jacket. Hindi naman sobrang lakas ng aircon kaya, hindi rin naman malamig. Nasa sulok ito ng kama, may unan sa pagitan ng dingding at ng likuran nito.

Nilapitan ko ito at marahang dumungaw upang maabot ko siya at ma-check kung mataas pa rin ba ang lagnat nito.

Nagulat ako sa paggalaw nito at paghawak sa kamay ko, nawalan ako ng balanse at napahawak sa dibdib nito.

Nagtama ang aming mga mata.

"Good morning!" he greeted with a husky tone of voice.

I blushed.

No wonder, maraming tumitili kapag kumakanta ito. Maganda ang speaking voice nito, pati ang singing voice. Pati ba naman kapag bagong gising.

"G-good m-morning!" dali dali akong bumangon. Umupo rin ito.

"What time is it?" he asked. As if nothing happened. Whew!

"It's past 7 in the morning." I replied.

"I have to go." he said.

"Wait, okay ka na ba?" kinapa ko ang noo nito. Hindi na siya mainit. Thank God. "Masakit pa ba ang ulo mo?"

Umiling iling ito.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon