C h a p t e r 8 4

9 1 0
                                    

"Did you find, Maddy?" Tristan asked.


Nag-video call ang mga ito. Kanina pa sila tumatawag. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para pansinin ang cellphone ko.


Itinapat ko kay Madison ang cellphone para makita siya ng mga ito.


"Thank God." sabi ni Evan.


Nakatakip rito ang jacket ko, inayos ko ang pagkakasandal nito sa upuan at bahagyang nakahiga ang sandalan para makahiga siya ng maayos. Parang isang sanggol na natutulog ng mahimbing.


Hinaplos ko ito sa pisngi. Nawala sa isip ko na nasa call pa kami ng mga kaibigan ko kaya naghiyawan pa ang mga ito.


"Nako, Gavin! Huwag mo kaming iniinggit!" sabi pa ni Reed.


"Shut it, Reed. Ang ingay mo! Baka magising si Miss President." saway naman dito ni Arkin.


Hinarap ko na sa akin ang cellphone. Masyado na nilang sinisilayan si Madison.


"Good thing that Trixie found her location." sabi ni Tristan.


"Yeah, I must have thanked her later." sabi ko rito.


Nag-make face si Sean na tila nagdududa kung gagawin ko ba. He knows, I never texted, or called any girls before. Well, after my past relationship, I stopped.


Ugh. I don't want to remember that right at this moment. Nilingon ko si Madison na natutulog pa rin nang mahimbing. May tumatawag sa cellphone nito na nakalagay sa dashboard. Hawak hawak niya ito kanina kaso muntik na niya itong mabitawan kaya inilagay ko na lang muna sa dashboard.


Hindi ko na mabilang kung ilang beses na may tumawag. Ayaw ko namang pakialamanan at sagutin.


"I got to go." sabi ko sa mga kaibigan ko.


"Ingat mo si Miss, Gavin." sabi ni Reed.


"Huwag kang gumawa ng kalokohan diyan..." pagbibiro pa ni Evan.


"Siraulo!" sabi ko rito bago pinindot ang end call.


Bakit ako gagawa ng kalokohan? Saka ano'ng kalokohan ba?


Pinagmasdan ko si Madison, pinantayan ko ang pagkakahiga ng sandalan. Humiga rin ako paharap sa kanya para mas maaninag ko ang kanyang mukha. Hinaplos ko ang pisngi nitong hindi nakakasawang hawakan at titigan.


Maya maya ay may kumatok sa bintana ng kotse. Nang maaninag ko kung sino, ay pinagbuksan ko kaagad.


"Hijo, hinahanap ng mga pinsan niya si Madison." sabi ni Mang Fredie.


"She can't go back inside because she's already asleep... po." I forgot that he is old. "And he's very kind, especially to Madison.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon