C h a p t e r 40

39 4 0
                                    

Gavin's acting weird lately.

Naninibago talaga ako sa mga ikinikilos niya. He even insisted to drop me at the condo ngayong pag-uwi namin.

"Miss, sige na. Diyan ka na sumabay kay Gavin." pag-uudyok ni Reed. "Kaysa maghintay ka kay Kuya Maze." nakiki-Kuya na rin ito.

"I told you, it is better if you're with me." he said.

Kaya naman kasi ayaw kong sumabay dahil ang awkward. Lalo na kaninang kumakain siya ng Blueberry Cheesecake! Pambihira! Hindi ko makalimutan ang sinabi niya.

I don't know why he is like that.

Wala akong maisip na rason para maging gano'n ang pakikitungo niya sa akin. Nagtataka na nga rin ang mga friends ko.

"Sure ka? Walang something sa inyo?" chat ni Trixie sa aming group chat.

Kaming apat lang na girls ang nasa group chat na ito.

"SYEMPRE, WALA!" mariin kong sagot. Capslock para intense!

Wala naman talaga e! Walang something. Paano magkaka-something? Sige nga?

Besides, we started out like cats and dogs. He used to dislike me for whatever reason that is why I'm really confused right now.

"Hindi siya nanliligaw?" tanong nito.

Dahil hindi ako sumagot, nag-video call ito.

"So, ano nga Maddy?"

"Walang gano'n, Trixie. Hindi siya nanliligaw."

What the hell is happening?

"Maybe, narealize niya na mabait ka naman pala, Maddy. Kaya, he's making a move to be your friend or more than friends?" ani Macy.

Nagkibit balikat na lang ako at hindi na sumagot pa sa sinabi nito.

The more na nag-e-explain ako, mas lalo lang din silang mag-iisip ng kung anu-ano. As far as I know, wala pa naman kaming masyadong malalim na pinagsamahang dalawa para dumating kami sa punto ng ligawan na sinasabi nitong si Trixie.

I mean, lahat naman sila sa grupo nilang "The GREAT" ay nakakasama ko lang kapag nasa school or sa gigs. Other than that, wala na.

Pero si Gavin, hindi ko maalala kung kailan nagsimula na naging okay ang treatment sa akin e. Well the fact that he apologized last time was the initial action that he made and the rest, there's nothing significant that had happened to us to make us be like this.

My point is, equal naman ang time spent with them so there's no point in saying that there is something between the two of us. Except those times na nagmi-meet kami ni Gavin for our Feasibility Study.

Walang enough reason para maging romantic ang feelings niya for me.

"Hey, Maddy! Natulala ka na d'yan!" puna ni Trixie.

"Wala naman kasi akong isasagot sa mga accusations mo, girl." sabi ko rito.

"Grabe naman sa accusations." sabi naman nito.

Okay lang din naman 'yong pag -ooffer niya ng paghahatid or pagsabay ko sa pag- uwi since, malapit nga lang ang condo niya dito sa bahay. So, there's nothing wrong with that.

Bakit ang dami kong sinabi?

No, I am not defensive. I am just stating reasons.

"Alam niyo, huwag na ninyong problemahin ang mga hindi naman problema." singit ni Shane sa dalawa naming kaibigan. "There's nothing wrong being friends with Madison. Everyone loves her. Nakikita niyo naman ang treatment ng ibang guys sa kanya. There's nothing wrong also, kung magkakaroon ng something between Gavin and Mads since, they are both single at this moment."

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon