C h a p t e r 8 9

7 1 0
                                    

Biglang bumuhos ang malakas na ulan pagdating namin sa Manila. Mga 30 minutes pa bago kami makarating sa OPR Residences.


"May bagyo ba?" tanong ko rito.


Nagkibit balikat lang ito.


Parang wala naman akong nabalitaan na bagyo ngayong araw na ito. Napakalakas ng buhos ng ulan.


Tumatawag ang kapatid ko. He's been checking up on me almost every 30 minutes. Ugh!


"Hello, Kuya..."


"Nasaan na kayo?" tanong nito.


"Nasa Manila na po."


"Malakas daw ang ulan dyan. Mag-ingat kayo." sabi nito. So, walang ulan doon sa Tagaytay?


"Yes po."


"Dumaan kayo sa Meadows, para kumain sa restaurant. Nagpahanda ako ng food." sabi nito.


Wow! Ang bait naman ng kapatid. Eksakto talagang nagugutom na ako.


"Gavin, daan daw tayo sa Meadows, may food na pinaprepare si Kuya." sabi ko rito kay Gavin. Tumango ito.


Pagdating namin sa resto ay napakaraming tao.


Hindi na sumama si Gavin sa loob dahil walang parking space. Nakakatamad naman magpark sa basement.


Napakaraming tao, as in! What would I expect? It's Sunday and almost dinner na rin. Maraming waiting sa hotel lobby at maraming kumakain sa loob.


"I-take out ko na lang po, Miss Rose."


"Sige, Miss Maddy. Pakihintay na lang po. Sorry po talaga, hindi namin na-anticipate ang dami ng tao. Puno rin po kasi ang conference room parang may event po kasi sa park." sabi nito.


"Ayos lang po 'yon." nilingon ko pa ang park para tingnan kung anong mayroon. Medyo marami ngang tao, parang may backdrop din ng stage.


Paglabas ng staff ay may dalawang paper bag na at may mga food container sa loob, parang 4 sets pa ito ng ulam.


"Miss Maddy, rice meal po ang pinahanda ni Sir Maze. Dessert lang po ang wala diyan. Ano po ang gusto niyo sa dessert?" masayang sambit ni Miss Rose.


Parang gusto ko ng ice cream ulit?


"Pwede bang ice cream na lang?" tanong ko rito.


"Sure, Miss Maddy. Ipa-prepare ko lang po."


Nilingon ko si Gavin sa may kotse. Dahil tinted ang windows, hindi ko maaninag kung anong ginagawa niya sa loob.


The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon