C h a p t e r 3 6

47 6 0
                                    

As expected, kay Gavin pa rin ako sumabay pauwi.

"D'yan ka na, Miss. Ayaw kaming pasakayin niyan sa car niya." may himig pagtatampong sabi ni Arkin.

"Napakagulo mo kasi!" sabi ni Reed na tatawa tawa pa.

Sinamaan niya ito nang tingin. Natawa lang si Gavin sa sinabi ng kaibigan.

"Ingat kayong lahat." sabi ko sa mga ito.

"Bye guys!"

Napasulyap ako sa wrist watch ko. Past eleven na. Sobrang late na, pero hindi pa ako hinahanap ng Kuya ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mag-aalala.

Hindi na yata ako mahal ng kuya ko.

Habang nasa byahe pauwi ay ang hirap na namang makipag-usap. Hindi ako magaling sa ganitong sitwasyon lalo na kapag ang kasama mo e hindi rin naman palasalita. Ang weird din kasi niya lately. Hindi ko na alam!

Binuhay nito ang stereo dahil siguro sobrang tahimik naming dalawa. At sa pagkakataon nga naman, ang tugtog sa kaniyang playlist ay ang kantang tinugtog nila kanina, Tenerefe Sea by Ed Sheeran.

Naalala ko tuloy 'yong mga sinabi niya kanina sa akin.

"Should this be the last thing I see

I want you to know it's enough for me

'Cause all that you are is all that I'll ever need"

Wala sa loob ko'y napakanta ako kasabay ng tugtog.

Nang huminto kami sa stop light at mapansing nakatingin na naman ito sa akin ay doon ko lang napagtanto na naririnig pala niya ako. Shit!

I thought I was just whispering the lyrics!

"Do you like that song?" he asked, looking at me, smiling.

Maitatanggi ko pa ba? Bahagya akong tumango bilang tugon sa tanong nito at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay ang init ng aking pisngi pero madilim sa loob ng kotse kaya hindi ko rin maaninag ang sarili ko.

"That was the first time I sang an Ed Sheeran song," he said.

"Your voice is so good that you can sing almost everything." I said. Well, that's true. Kahit 'yong speaking voice niya, napakaganda na what more pa talaga kapag kumanta ito?

Napangiti na naman ito. "Your voice is pretty good too." he said.

Napakunot tuloy ang noo ko. "Imposible, Gavin." pagtanggi ko.

He chuckles. "You should sing more often. I want to hear your voice louder than a whisper some other time."

Napapailing na lang ako. I can sing but I'm not a good singer.

"Well, I can read the lyrics." I said.

Natawa ito sa sinabi ko. Natawa na lang din ako.

Then, silence. Parang ito na yata ang pinakamahabang byahe mula sa The Lab hanggang Meadows kahit na 15-20 minutes na ang pinakamatagal dito depende sa mga traffic lights na madadaanan kung minsan.

Well, everyday I learned new things about Gavin and that's nice.

Tumikhim ito bago nagsalita. "What time are we going to meet tomorrow?"

Saka ko lang naalala na magkikita nga pala kami bukas ng umaga para sa survey na naudlot last time dahil may sakit siya.

"10 o'clock or after lunch?" I asked him.

"You decide," he said.

Napasulyap akong muli sa wrist watch ko, 11:30 p.m na.

Iba-based ko na lang sana sa oras ng uwi namin ngayon dahil for sure, tanghali ako magigising nito pero bigla itong nagsalita.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon