C h a p t e r 3 2

71 7 6
                                    

It's been a long and rough day.

Naging maganda lang because of this cute little bear.

I named him Gee.

Bilang galing naman ito kay Gavin.

Nagtataka lang talaga ako bakit ito bumait. Or mabait naman talaga ito, hindi lang talaga siya komportable sa mga babae lalo na kapag hindi naman niya kilala at ka-close.

Well, we sort things out before and I guess that lessens the uneasy feelings that he has when we are with them.

And then, he was sick. The rest is history. I am just hoping that we could be good friends.

Because of him, I forgot the problem that I am worrying about.

Actually, hindi ko na nga sure kung poproblemahin ko pa o hahayaan ko na lang na mangyari.

Hindi ako nakatulog ng maayos.

Parang pumikit lang ako ng saglit tapos pagkagising ko, umaga na kaagad.

I am preoccupied.

Kahit sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko na dapat ito poproblemahin pa.

"Maddy, ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Kuya Maze sa akin nang nalagyan ko ng creamer ang fresh milk.

Wala akong nasabi.

"Inaantok ka pa ba?" natatawang sabi nito at kinuha ang fresh milk na nilagyan ko ng creamer. Nasanay kasi ako na coffee ang pinapatimpla niya. Minsan lang siya manghingi ng fresh milk. Pero ngayon lang talaga ako nagkamali.

Marami akong gagawin ngayon sa school. Start na ng campaign para sa student council election. Excused kami sa klase dahil magsisimula na kami ngayon na magkampanya sa lahat ng programs for one week.

Maganda naman ang feedback sa amin ng mga students kaya gusto naming ipagpatuloy ang nasimulan namin bilang council. Though, mas mahirap na ngayon dahil third year college na kami at panay major na ang subjects, hindi naman namin kaya na hindi mag-serve sa aming mga fellow students, kaya in the end nagpasya kami na tumakbo pa rin.

Mabilis namang natapos ang buong maghapon. Kahit na parang antok na antok ako, natapos namin ang lahat ng block sa College of Engineering. Nasa last na block na kami.

Lahat halos ay pagod na.

Lumabas muna ako para magpahinga saglit.

Naupo ako sa labas ng class room habang nagpapakilala ang iba ko pang kasamahan.

"Maddy, are you okay?" tanong ni Tristan. Lumabas rin ito pagkatapos magpakilala.

Tumango ako. "Pa-assist muna sila ha? Upo lang ako saglit." sabi ko rito. Tumango naman ito at pumasok sa loob ng klase.

One week campaign itong gagawin namin, unang araw pa lang ay todo effort na talaga kami. Hindi naman sa takot kami na baka matalo kami, nagpapasalamat rin kami sa mga students dahil active sila sa pag-participate sa mga events na ginagawa namin. Thanks to our college representatives. Sobrang active rin kasi nila at talagang maganda ang communication sa bawat isa kaya lahat ay nakiki-cooperate.

"We're thankful that all of you have been part of our past events and we hope to see you all in our upcoming events for the students! We love to provide quality service to our fellow Collinsians."

Pagkatapos ng aking maikling speech ay nag-bow kaming lahat na pinalakpakan naman ng lahat ng estudyante sa loob ng class room na iyon.

Hindi pa natatapos ang araw namin sa campaign.

Kailangan pa naming mag-meeting para sa evaluation ng aming first day of campaign.

"Kumuha kayo doon ng snacks." sabi ni Miss Gel sa amin, pagkapasok naming lahat sa student council office. Very supportive talaga ang council adviser namin sa amin.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon