C h a p t e r 8 2

7 1 0
                                    

I woke up to the sound of my alarm clock in my room. That alarm clock was set at 6 o'clock in the morning. Hindi ko alam na gumagana pa rin ang alarm clock 'yon dahil napakaluma na nito. Parang nasa elementary pa lang ako nang matanggap ko ito mula sa isang kaklase ko as exchange gift. Uso naman kasi 'yong mga gano'n noon 'di ba?


Pinatay ko ito pero may isa pa akong napansin...


Nakasandal ang cellphone ko sa bedside table at nasa call pa rin ito.


OMG! Nakatulugan ko si Gavin!


Napabalikwas ako sa higaan. Hindi na rin ako nakapagpalit ng damit! Napahilamos na lang ako sa aking mukha lalo na nang makita ko si Gavin sa screen ng cellphone.


"Good morning, Sunshine!" nakahiga ito, parang kagigising lang din. Paos pa ang boses nito at halatang bagong gising. Singkit ang mga mata na parang inaaninag ako sa screen.


"G-good m-morning!" nauutal na bati ko rito. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Kung ilalapag ko ba ang cellphone para ayusin ang sarili ko o papatayin ko na lang para makapag-ayos ako o magso-sorry kasi nakatulog ako. Hindi ko alam ang uunahing gawin.


"How's your sleep?" he asked.


Tinitigan ko ito, his eyes are half closed. Maaga pa kasi masyado pero gising na ito o nagising ko ito dahil sa alarm ko.


"Gavin, sorry... nagising yata kita. Maaga pa." sabi ko rito na hindi sinagot ang tanong niya.


Umiling iling ito na natatawa. "It's okay."


"Anong oras ka natulog?" tanong ko rito. Inalala ko ito dahil nagising ito sa alarm ko, sure ako. Hindi naka-mute ang cellphone ko nang makatulog ako kaya for sure, narinig nito ang alarm clock.




"I'm the one asking you first but to answer your question, I lost track of time, Madison Kaylee." he said.


"Sorry, nakatulog ako nang maayos, Gavin. Salamat sa maganda mong boses. Nakatulugan kita... sorry..."paulit ulit kong paghingi ng paumanhin rito.


"It's okay. I sang to make you fall asleep, Princess." natatawang sabi nito. Well, it serves its purpose.


"Besides, watching you sleep seems to be my new hobby." nakangiti pa rin ito.


Uminit ang pisngi ko sa sinabi nito. A sweet dose of Gavin in the morning...

Mukhang maganda ang gising niya kahit napakaaga ko siyang nabulabog gawa ng pesteng alarm clock! .



BATTERY LOW!


Nag appear sa notification ng phone ko na malo-low bat na ito.


"Gavin, I have to charge my cell phone, it's only 15 percent."

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon