C h a p t e r 1 0 0

12 1 0
                                    

Gavin doesn't go to school that day. Though I know kung nasaan siya, kaya lang hindi pa rin nito nagawang pumasok sa klase. Unang araw ng Final Examination ngayon.


"Gavin... nasaan ka na ba?" tanong ko rito pagkasagot na pagkasagot ng tawag ko.


"Hmmm..." parang kagigising lang nito. "What time is it?" sambit nito sa malahusky na boses. Kagigising nga lang, pambihira!


"Gavin, alauna na. Kagigising mo lang?" tumingin ako sa oras at 10 minutes na lang ay 1 pm na nga talaga.


"What's an alauna?"


Napamaang ang bibig ko sa tanong nito. Seriously?


"Alauna is 1 o'clock, Gavin." natatawang sagot ko.


"I'm still sleepy," he murmured.


I rolled my eyes. Napalingon ako kay Tristan dahil may sinasabi ito.


"Hindi na 'yan papasok. I'll just talk to our professors."


Hindi ko na pinilit si Gavin na pumasok. Siguro naman ay bibigyan ito ng consideration.


"Sleep well, Gavin." paalam ko rito at saka in-end ang call pagkatapos nito sumagot.


Sakto rin na pumasok na ang professor kaya minabuti ko na lang na hindi na siya istorbohin sa pagtulog niya. Sobra tuloy naku-curious ako kung bakit ganoon na lang ang pagtatago niya na pati pagpasok sa eskwela ay hindi na rin niya magawa.


Tulala ako during break time na naging kapansin pansin sa mga kaibigan ko.


"Miss, ayos ka lang ba?" tanong ni Reed nang ilapag nito ang order kong iced coffee at muffin.


Ngumiti lang ako.


"Hayaan mo 'yon si Gavin, Miss. Gano'n talaga siya kapag nandito si Tito Gab." sabi ni Arkin na mabilis namang siniko ni Evan.


"Bakit? For sure, nakwento naman na sa kanya ni Gavin kung bakit." pamimilit ni Arkin.


'Yon na nga, wala namang ikinukwento si Gavin. There's something going on between him and his dad, for sure.


Nagkatinginan kami ni Shane dahil napag-usapan din namin 'yon noong nakaraang nasa bahay siya.

"Malay mo hindi pa naman nakwento ni Gavin. Mukha ba 'yon nagkukwento tungkol sa sarili niya?" sabi ni Evan. Nagkibit balikat na lang si Arkin.


"Alam niyo, ayos lang naman kung sasabihin na natin sa kanila kasi pamilya naman na natin sila." sabi ni Reed.


Tumingin ang mga ito kay Tristan.


Sa kanilang lahat, si Tristan din ang nagdisclose ng anxiety issues ni Gavin last time. At thankful ako na hindi ito umaatake recently.

The Day We Fall In Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon